"kamusta pakiramdam mo?," si jake habang abala ako sa pagtambay sa bintanang nilagyan nya ng bakal noon , nanonood sa mga ibong malayang
"okay na" walang imik akong gumalaw papunta sa higaan namin. Ilang linggo akong parang wala sa mood, pakiramdam ko ay nanghina ako sa herbal na pinapainom nila sakin dito.
"ngayon, wala na siguro yung bisa ng drugs sa sistema mo" tumango ako bago nagtaklob ng kumot.
Nagtxt si uncle larry, sinabi nyang babalik na syang japan.. at gusto nya ko isama. Gagawan ng paraan ang pagtakas ko dito. Nalulungkot ako at the same time nanghihina, hindi ko alam kung bakit para akong unti unting nauupos na kandila.
"pag okay na pakiramdam mo, pwede na tayong humarap kay ama" isa pa yan, hindi nya ko pinaharap sa ama nya kasi nakadrugs pa ko. Aba, nung nakadrugs ako malakas ang loob kong humarap sa kanya .. ngayon parang ayaw ko na. "gusto ka na nya makita" naramdaman kong masaya sya sa binalita nya.
"okay, give me sec." sinabi ko, para iwan nya muna ako mag isa.
"well, okay" rinig ko yapak nya at mga buntong hininga nya. Maya maya ay narinig ko na ang pagsarado ng pintuan.
Bumangon ako at kinuha ko ang nokia ni uncle larry. Isang mensahe pa ang natanggap ko mula sa kanya.
Maggie, pupuntahan ka dyan ni awin..
Di ako nakagalaw, lumingon ako sa bagong CCTV sa kisame at pasimpleng pumuntang CR para doon magreply.
Diba pwedeng ipagpaliban muna? o di muna ako sasama sa inyo tito
Habang nag iintay ako ng reply naisip ko ang mga mangyayare, alam kong hahanapin ako ni jake, alam ko. Pero bakit ko ba yun naiisip? makalipas lang ng ilang bwan na wala ako baka sila na ni mara. Baka nga landiin agad ni mara at magsama na silang dalawa, tsk, o baka matuwa pa si mara!
hindi!
hindi ako sasama kay uncle larry.
Sa inis ko sa naiisip, nasipa ko ang trush can sa ilalim ng lababo na naglikha ng ingay. Inayos ko sya at binalik sa dating pwesto nya.
lalabas na sana ako ng CR kaso nagvibrate ang nokia ko.
Please, gusto kitang ilayo sa kanila. Di pa nila nakukuha ang drugs na magpapalakas ng katawan ng tao. Pag nakuha nila yun, ikaw ang una nilang gagawing experiment.
Bigla akong napako sa kinatatayuan ko, isa pang mensahe ang lumabas galing sa kaniya.
Maggie, makinig ka! gagawin ka nilang leader at ang papakasalan mo. Ayokong mangyaring pag nagtalo ang mga mafia .. masali ka sa gulo nilang ito.
Nanginig buo kong katawan sa sinabi ni uncle larry, para akong mahihimatay sa nabasa ko. Bakit ako? bakit hindi ang ibang babae.
Bakit ako uncle larry? at bakit mo nalaman yan? matagal mo na bang alam?
Naluluha ako, di dahil sa nalaman ko, dahil niloko ako ni jake. Gusto nya kong lumakas at sabay kaming magtatake ng drugs na yun, para sa kapangyarihan nila!
Bumaling ulit ako sa mensaheng pinadala ni uncle larry.
Maggie, pamangkin, makinig ka sa tito ha? sumama ka samin ni awin mamayang gabi. Ilalayo kita sa away at magulong mundo ng mafia.
Uncle, sagutin mo tanong ko.
Suminghot ako , nirelax ko sarili kong katawan. Nagtipa ulit ako ng mensahe para sa kanya.
Uncle, totoo bang hindi ko tunay na ama si papa?
Ilang minuto akong nakatitig sa nokia phone na ito pero hindi padin nagrereply si uncle larry, naisipan kong lumabas muna at uminom ng tubig sa baba.
BINABASA MO ANG
THE TATTOO
Romance"Maggie, lika" lumapit ako kay mama para suklayan ako ng buhok. Ito yung gustong gusto ko pag uuwi si mama galing trabaho nya. At kahit noong bata ako lage syang ganito sakin hanggang makatulog ako sa kandungan nya. "Pasensya ka na sa sakit na naram...