Truck

203 5 0
                                    


 Mainit ang klima ng panahon pagbukas ko ng bintana, ngayon idedeliver ang drugs ayon doon sa nabasa ko sa phone ni jake, di totally na nabasa ko nakita ko sa screen ng iphone nya.

Ang totoo nyan, akoy kinakabahan sa gagawin ko pero kailangan ko itong makita. Isang Black longsleeve na may hood at black pants pati nadin ang boots ko ang sinuot ko. Nakita ko sila sa laboratory kanina na may binabalot sa bakal na kahon. Iyon na ata siguro yun!

Lumabas ako sa silid isang braso ang nakita ko sa may dulo ng hallway... nang sya'y nagpakita ng buo habang nakatalikod may sumunod sa kanyang babae, si yunish ito at kasama nya si joana na may pinaguusapan. Isinuot ko ang hood at nagdaretsong lumakad.

"Ang sarap nung kagabi" rinig kong sabi ni joana.

"Sadya!" excited ni yunish na pahayag at sabay silang tumawa sa di ko malamang dahilan.

Dumaretso ako pababa ng hagdan dahil 2nd floor to, nasa baba ang private truck na gagamitin nila paalis.. Narinig ko kaninang may pagmimitingan sila jake sa underground kaya pupuslit na ko neto.

Sumalubong sakin ang amoy ng garahe, pulbura na amoy lupa dahil sa kalumaan, dalawang truck ang nandito.. parehas silang plain at gray. Pero saan dito dadalhin nila?

"Okay na daw yung dadalhin" Nakarinig ako ng yapak ng dalawang tao sa may unahan ng truck kaya agad akong pumasok sa loob ng truck dahan dahan sa tinataguan ko. Sa may likod nito

Madilim, napahinga ako ng malalim at sinilip ang siwang ng truck.

Narinig ko ang pagbukas ng likod ng truck, oh no no no.... please! umurong ako para makatago sa malaking box na nandito, madaming malalaking box ang nandito. 

"Di mo nilock ito! ... muntik mo ng makalimutan neil!" napahinga ako ng malalim ng nilock nya lang ang pinto.

"Sorry! Tara na!" dinig kong sigaw ni neil.

Nabigla ako sa ginawang pagbagsak ng pinto sa driver seat na syang kinangiti ko dahil tama lang ang sinakyan kong truck. 

Pinaandar nila ang truck at naramdaman ko ang unti unti nitong paggalaw, napabuntong hininga ako at dinukot ang cellphone ko sa bulsa. Inilawan ko ang mga box na nandito, walang kahit na anong butas o lulusutan sa truck na ito.

 Lahat pare-parehas na box, saan dito ang shabu?

Siguro kung iisipin isang simpleng delivery truck lang ito para di halata ng makakakita pero ang di nila alam maraming shabu dito sa loob, tumayo ako at nilapitan ang unang box.

Plain ito at walang kahit na anong nakasulat, binuksan ko ang box pero naita ko lang ay mga libro .. talino ahh? Saan kaya dito??

 Inisa isa kong buksan ang lahat ng box kahit yung nakapatong ay binaba ko para buksan pero laking gulat ko ng biglang gumewang gewang ang truck at mura ni neil ang narinig ko sa labas.

Huminto ang truck kasunod ang putukan, malayo layo na kami sa main building mukhang di maririnig na may nagaganap. Inilabas ko ang silencer ko at tinapat sa pinto ng truck. Shit, wala na kong naririnig na putok!

 Di ba naisip nila jake ito? na may mangyayaring ganito?

Di ko ito inaasahang mangyari!

Marahas ang pagkakabukas ng pinto kasabay ng pagputok ko sa taong nagbukas nito, isang nakamask na itim ang napatay ko, nang wala akong marinig na tao ay dahan dahan akong bumaba upang tignan ang lalaking pinatay ko pero laking gulat at kaba ang nanaig sakin ng may tumutok na baril sa ulunan ko.

"ibaba mo yan!" salita nung tumutok sakin, nanginginig kong binaba ang silencer ko at dahan dahang lumuhod, kasunod ang paghagip ko sa baril ng taong may hawak nito ay ang pagputok na di ko inaasahan.

THE TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon