awin

205 4 0
                                    


 Humarap ako sa salamin sa harap ko at inayos ang pagkakatali ng buhok ko.. Pero isang kamay ang pumulupot sa baywang ko kaya napatingin ako sa humawak na may malaking ngiti.

 "lalo kang gumaganda maggie" hinalikan nya ang leeg ko at inamoy na naman iyon na syang nagpakiliti sakin "round three?" hinarap ko sya at hinampas ko sya sa braso nyang matigas

 "sira ulo! may training pa ko" inalis ko kamay nya sakin at lumakad na patungong pinto "see you sa dinner" ngumiti ako sa kanya at agad sinarado ang pinto.

 Bumaba ako na may malapad na ngiti sa labi pero unti unting nawawala iyon ng makita ko si mara sa hallway na masama ang tingin sakin.

 lalagpasan ko sana sya pero nagsalita sya "ano? nakapag isip kana?" napatingin ako sa kanya "itatakas kita dito" titig nya sakin.

 "di ko alam kung anong hindi mo maitindihan sa sinabi kong hindi ako aalis dito" tinaasan ko sya ng kilay

 Nung isang araw, kinausap nya ako para ipaalam na kung gusto ko daw umalis dito kasi di ko daw alam kung ano ginagawa dito pero noong tinanong ko sya kung ano ba alaga ginagawa dito ay di sya makapagsalita, para daw sa kaligtasan ko daw ang gagawin nyang pagtulong.

 "sinasabi ko sayo maggie mas magandang lumayo ka na dito para hindi ka mapahamak!" madiin pero mahina nyang bigkas kasabay ng tingin nya sa paligid.

 "Sabihin mo sakin kung ano ginagawa dito, at saka ako papayag sa gusto mo" bigla namang nalito ang mga mata nyang tumitig sakin at nagbuntong hininga.

 "Pag ba sinabi ko aalis kana dito?" kahit hindi ako sigurado ay tumango ako

 "Sige, sumunod ka sakin sa kwarto" dahan dahan kaming naglakad sa elevator at nagtungo sa ibaba.

 Pagkapasok namin ay sumilip muna sya sa hallway saka sinaraduhan ang pinto. Hinarap nya ako "maggie, drug dealer kami..... or should i say tayo" kunot noo ko syang tinitigan kung nagsasabi sila ng totoo "malalaking tao ang kumukuha ng mga drugs, di lang dito sa pilipinas kundi narin sa buong mundo" nagcrossed arm ako para maramdaman nyang gusto ko pang malaman ang sinasabi nya. 

"bakit nililihim ito ni jake sakin?".. ito yung matagal ko ng tanong kung bakit ang tagal nilang sabihin ang sikreto nila.

 "dahil ayaw nya pang malaman mo, gusto nya malalaman mo to pag kinasal na kayo pag nakatali ka na sa kanya at wala ng kawala kasi baka umalis ka dahil illegal to" diin nya sa mga sinasabi nya.

O wait? bakit nya diniin ang salitang kasal?

tama ba hula ko? nagseselos sya kasi ako na ang kasama na ni jake?

tinago ko muna ang ngisi ko, kaya nya ko pinapaalis ay para masolo nya si jake? kawawang nilalang! tsk.. umirap ako sa ere

"o ano? iirap ka nalang?" galit nyang bulaslas " kelan kita iaalis dito?" kinumpas ko ang kamay ko habang naalis sa harapan nya.

 "nonsense!" hinawakan ko ang door knob at nilingon ko sya na ulo lang ang gamit ko "di ako aalis"

 "what?" sigaw nya... pero binuksa ko na ang pinto " maggie!" tawag nya pero nagtuloy tuloy akong lumabas ng kwarto nya , mabagal kong hinakbang ang mga paa ko papasok na sana ako ng pinto ng may malamig na metal ang dumikit sa batok ko

"aalis ka dito o papatayin kita?" tuluyan na kong napangisi... dahan dahan kong tinataas ang kamay ko at bigla kong inikot ang kamay nya sa kamay ko kaya nalaglag ang baril nya.

 "hindi handa?" nakatunganga syang nakatingin sa baril ko na dahan dahang tumingin sakin pero ng maramdaman kong kukunin nya ang baril ay agad ko tong kinuha at tinutok sa kanya.

 sya naman ngayon ang tumaas ang kamay at ngumisi na syang kinanoot ko ng noo.

 "nakakatawa, ang dating walang alam at takot na takot na maggie ay nasa harap ko ngayon para tutukan ng baril" kinasa ko ang baril para malaman nya na gusto ko syang patayin dahil sa pagtutuk nya sakin ng baril sa batok "hindi uubra yan-" mabilis nyang kinuha sakin ang baril pero mabilis din akong kumilos para maalis ang magazine nito.

Isang hawak ko sa braso nya ay agad kong napakawalan ang magazine, tumalbog pa ito sa sahig at ng tingnan ko ay saka ako nakahinga ng maluwag. Agad nya kong tinulak

"next time may tatama na talagang bala sayo" irap nya sakin, tumalikod sya sakin at nakatanga akong napapaupo... shit! muntik na ako doon..pero naikasa ko ang baril, lakas ng kabog ng dibdib ko.

Kinuha ko ang magazine at sinilid  sa bulsa ko.

Naglakad ako pabalik sa kwarto ko ng may nahagip akong tao sa bintana "awin" naibigkas ko ng nakita ko syang tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Kitang kita sa glass window ang mga puno at labas kaya madali ko syang nakita...di tulad ng mga hallway sa ibaba walang kahit na anong bintana bintana..

Bakit sya nandito? hinahanap nya ako?

Bigla naman akong natuwa sa naisip ko pero nawala din ng maalala na baka may ibang pakay sya. Dalawin ko kaya sya? papayag kaya si jake? o wag ko nalang ipaalam?

Nabigla ako ng biglang bumukas ang pinto sa harapan ko  at niluwa doon si jake "bakit ka nandiyan?" umiling ako at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.

 Nakita ko syang nakaayos ang suot at parang aalis. "aalis ka?" di ko sya tinignan 

"yup! parang gusto mo ko magstay ah? magsstay nalang ba ko?" humarap ako sa kanya at umiling.. nawala ang ngiti nya at kita kong lumunok sya saka inayos ang polo nyang blue, bagay naman sa kanya.

 "kikitain ko lang si ama, nasa kabilang bayan.... susunduin ko lang" tumango ako at agad syang umalis ng kwarto namin.

 Baka may kikitaing babae.... saka naman ako nainis sa naisip ko kaya naligo nalang ako.



 Naalimpungatan ako ng may narinig akong ingay... unti unti kong dinilat ang mata ko at naaninagan ko ang isang bulto ng taong nakatayo sa harapan ko " awin?" bulong ko. Nakatitig sya sakin at tumalikod. Lumaki ang mata ko ng may napag tanto!

 Saan sya dumaan? agad akong bumangon.

o may gad!

 Tumingin ako sa orasan dito... its 1am!

 Tumayo ako at sinundan sya....kaso ng makita ko ang hallway ay ni isa ay walang katao tao man lang.... namamalikmata lang ba ako?

 Bumalik ako sa higaan ko ng may napansin... walang jake?

Asan na kaya yun?

At dahil nauhaw ako ay bumaba ako para makainom ng tubig... kaso laking gulat ko ng may dalawang taong naghahalikan sa may tabi ng lamesa...

Ang kinagulat ko din ay alam ko yung polo na iyon!

 Parehas silang napatingin sa dareksyon ko at sabay nagulat.... Jake? and mara?

May gumuhit na sakit sa puso ko ng makita silang ganoon ang ayos, lalapit sana si jake pero tumakbo na ko at magtatakbo sa kwarto ko.

Hinihingal akong nilock ang pinto at ang lakas ng kabog ng dibdib ko... bakit nasasaktan ako? my God! wala akong nararamdaman kay jake! alam ko yun! di pwedeng may maramdaman ako, dahil maghihiganti pa ko sa kanila.....bigla kong naisip yung mga sweet moments ni jake para sakin ay parang lumalambot ako. shit!

Nagulat ako ng may kumalabog ng pinto. Alam ko sya yan!

Nagtalukbong ako ng kumot at inisip kong matulog... at hayaan syang magkakakatok dyan sa labas.



>>>>>>sorry sa talag ng update nito..

naging busy sa school pero pag may time ako gagawa ako ng way para makapagpatuloy.. thanks sa reading! comment en vote! thanks!

THE TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon