Lumipas ang mga araw at unti unti kong natututunan ang mga tinuturo nila sakin. Nung pangalawang testing ko ay pinagana ko na ang concentration ko sa pagbaril at umepekto naman lahat ng ginagawa ko, bumibilis nadin akong bumaril at asintado na lahat.
"very good maggie" Niyakap ako ni jake pero nakita ko kung pano nagdabog si Mara ng baril. Sya si mara.... araw araw akong sinusungitan, alam ko na kung bakit sya ganyan sakin dahil nagseselos sya! Ano nga ba relasyon nila ni jake bago ako dumating dito? Malalaman ko din yan... Sa ngayon ay kailangan kong malaman kung anong plano at ginagawa nila.
"Bukas ay sa labas ng building tayo... pero hindi totoong baril ang gagamitin" tumango ako kay roni at muli akong hinawakan ni jake sa kamay.
Hinawi nya ang takas na buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko, ngumiti ako ng tipid sa kanya.... Hinila nya ako para makaakyat kami sa taas.
"Nagpahanda ako ng miryenda mo ... alam kong gutom ka" pero imbis na sumagot ako ay tumango nalang ako. May balak akong umalis.... pero di pa ngayon, pag alis ko ay handa ako.
Sa totoo lang ay naiilang ako pag nagiging sweet sakin si jake, di ko alam kung bakit gustong gusto nya ko.... Sinabi nya sakin na sinundan nya daw talaga ang pagdadalaga ko.
Pinakita nya sakin ang mg prutas na halatang bagong talop at tinusok nya ang isa para isubo sakin na alinlangan kung isusubo ko talaga pero no choice e.
"Magtiwala ka sakin, sa amin maggie.... alam kong magugustuhan mo din dito" ngumiti sya sakin habang lumapit sakin para halikan ang noo ko, bakit di ako masanay sanay sa pagiging sweet nya? Ganito ba sya sa lahat ng babae dito?
"Gusto kong lumabas jake" out of blue ay nasabi ko, napatitig sya sakin na parang sinasabi kung sigurado ako. Gusto ko malaman kung anong nasa labas ng building bukod sa napuntahan kong lugar.... err si awin... kamusta na kaya sya? gusto ko syang isama pag umalis ako dito, intayin mo ko awin, ilalayo kita dito.
"k-kailan mo gusto?" di sigurado sa tanong nya " isasama ko sina mike para marami tayo" unti unti akong tumango, wag kang mag alala jake... di pa ko tatakas senyo!
Napagdesisyon kong umalis, gusto ko malaman ang totoo dahil may kutob akong hindi yun ang totoong nangyari... imposibleng gawin yun ng papa ko lalo ng mama ko. Alam ko.... dahil nakasama ko sila! Mababait silang tao, di nila gagawin yun... at isa pa, di sila magsisinungaling sakin. Bago sila mamatay ay nagkwento sila ng pahapyaw at yun ang aalamin ko pag lumabas ako dito.
Pag mali sila ay ako ang uubos sa kanila kahit mamatay ako. Alaalang sa aking mga magulang na walang awang pinatay.Pinatay nila ang kaisa isa kong dahilan para mabuhay! Nanggagalaiti ako sa galit lalo na pag nakikita ko yung dalawang lalaki na alam kong pumatay sa kanila. Pero pigil ako, darating ang araw na magmamakaawa kayo sa buhay nyo.
"pangulo" tawag ni mike ng lumbas kami... nakawhite longsleeve ako yung suot ko nung una at black pants. maong na faded naman si jake at black leather jacket na lalong nagpatingkad sa kutis nya. Kainis! gwapo nya!
Sumakay kami sa van na black at lumibot na.... ginala nila ako sa buong gubat dito. "Alam ko namang di ka na aalis " hinalikan nya ang likod ng kamay ko "dito ang papuntang city... malayong malayo ito sa ating lugar" tumango ako.
Bumaba kami sa may high way at nagdesisyong umakyat sa gubat pataas... maganda daw tanawin doon... "Natandaan mo nung grade five ka..? " lumingon ako sa kanya "pinagtulungan ka ng mga kaklase mo at pinaliguan ng lupa" napaisip naman ako, yun yung??? di ko na tanda... dami naman kasing nangyaring ganoon sakin e, tumigil lang sila nung naggrade six ako... di ko alam kung bakit. "nandoon ako ng mangyari yun sayo" kita ko kung paano sya ngumiti ng maalala yung nangyari... sya ba dahilan kung bakit nawala nambubully sakin at parang ilag sakin ng maggrade six ako?
Ilang minuto lang ay nakarating kami sa tuktok noon at nasilayan ang magagandang bundok... gubat at mga ibong parang maaabot ko na. Ngumiti ako at pumikit. Sarap sa pakiramdam.
Maya maya lang ay may humawak ng kamay ko, di na ko nagabalang tignan kasi alam ko naman kung sino yun.
Tinuro din sakin ni jake ang mga bundok kung saan nakatira yung iba naming kasama... di ko alam kung bakit hiwalay sila pero parang naisip ko ang posible na dahilan... para kung sugurin ang isang building ay may mga ibang kampo na magbaback up. Main building ang tawag sa tinitirhan namin, kasi nandito ang pangulo... si roni at honri ay magkaibang bundok sila nakatira, nadalaw dalaw sila dito upang makibalita na di ko alam kung anong mahalagang pinaguusapan nila.
Hanggang ngayon ay clueless parin ako dahil di naman ako nagtatanong... malalaman ko din yan pag tagal ko dito, kailangan ko lang gawin ay kunin ang loob nila para madali saking umalis.
Ginala ko ang mata ko sa mga taong nakaupo sa hapag at nakita ko kung paano ako irapan na naman ni mara... darating ang panahon ...mapapatay din kita!
Anong ginagawa nila maghapon? dito lang sila? anong pinagkakaabalahan nilang lahat? illegal ba ang napasok ko? haii... hirap ng clueless! shit!
May dumating na isang lalaking nakared ang buhok, siguro sa kabilang building siya... bumulong yung nakared kay jake na agad namang napatayo at dali daling nagtungo sa elevator... kasunod yung lalaking nakared, sinundan ko sila ng tingin hanggang sa nagsarado na ang elevator.
Huminga ako ng malalim saka uminom ng tubig... tumayo ako para sundan si jake pero agad akong hinarangan ni mara "anong gagawin mo?" taas ang kilay nya sakin
"pupuntang kwarto" umiling sya at tinuro ang isang pinto sa gilid.
"you need to work out!" tinignan nya ko mula ulo hanggang paa "marunong ka nga bumaril pero lampa ka naman sa pakikipaglaban" kumunot ang noo ko sa kanya pero pinandilatan lang nya ako kaya kahit akoy naiinis ay sumunod ako sa gusto nya.
Pagkapasok ko sa room ay nakita ko ang sobrang lawak na gym... teka? hindi lang gym.. may pang equipment talaga ng pang sanay. "intayin mo ang magtuturo sayo" umalis sya ng room pagkasabi nya noon sakin.
Di ko akalain na magiging maganda ang pagpasok ko dito.... Ang ganda ng gym na to! Sobrang lawak! mapapakinabangan ko talaga sila sa pag alis ko dito... ngumiti ako ng tago at tinitigan ang mga gamit dito.
cool!
BINABASA MO ANG
THE TATTOO
Romance"Maggie, lika" lumapit ako kay mama para suklayan ako ng buhok. Ito yung gustong gusto ko pag uuwi si mama galing trabaho nya. At kahit noong bata ako lage syang ganito sakin hanggang makatulog ako sa kandungan nya. "Pasensya ka na sa sakit na naram...