Agad akong nagtago sa malaking puno ng may dumaan na itim na kotse. Alam ko sila yun.... hinahanap na ko, isang oras din ako tumakbo lakad takbo para lang makalayo.. Buti kumain ako para may lakas ako.
Tumingin ako sa langit, alam ko ang oras ng ganitong langit... nasa alas kwatro na ng hapon.
Tumakbo ako papalayo sa kalsada at naghanap ng ilog na pwede kong inuman, kailangan ko ng bukal.Sinusundan ko ang kalsada dahil di ako maliligaw kung yun ang susundan ko. Kailangan kong makarating sa city at doon magtago.
hahanapin ko nalang ang kalsada mamaya pag nakainom na ko.
Naglakad lakad ako... matagal bago ko makita ang bangin na akala ko ay may tubig kaso wala akong nakita kahit basa. Tuyong tuyo ang bangin na ito, di naman sya malalim.. halatang may ilog dito dati. Huminga ako ng malalim... tumingin naman ako sa langit at sa kasamaang palad ay lulubog na agad ang araw.
Patakbo akong naghanap ng kubo o bahay man lang pero as in wala! wala akong makita. Baka pag nagpalipas ako ng gabi dito ay makita nila ako kaya naghanap ako ng puno.... puno na madaling akyatin kahit mataas.
Tumigil ako sa malaking puno. Dito nalang siguro ako. itinaas ko ang palda ko,may short naman ako sa loob. Inakyat ko sya ng dahan dahan kahit pagsaktan ako ng kamay. Paglingon ko sa baba ay nakita ko kung gaano na kalayo ang inakyat ko kaya napatigil ako sa maraming sanga at doon naghanap ng pwesto na pwedeng higaan.
100% sure ako na hindi nila ako makikita dito. Tumingin ako sa paligid.
Bakit kaya wala ako makitang bahay dito? nasaan ba kami? ang hirap talaga pag bahay at school ka lang... wala kang alam na lugar.
Bukas na bukas ay hahanap ako na pwedeng kainin.. may nakikita akong mangga sa daan pero dahil busy ako sa paglayo ay hindi na ko nagtangkang kumuha.
Nagsimula akong magmasid.Tinitingnan ko ang ibaba para alam ko kung may tao o wala. Nahiga ako sa sanga at nagsimulang pumikit ..ramdam ko ang lamig dito kahit nakalong sleeve na ko.
Napamulat ako ng may narinig akong tunog na parang yumapak sa sanga. Dahan dahan akong tumungo ay tumingin sa baba. Nagaagaw liwanag dahil umaga na.
Nakita ko ang isang lalaking dahan dahang naglalakad at may hawak na crossbow sa kamay. Kinabahan ako pero nawala ang kaba ko ng lumampas sya sa puno ,agad nyang tinutuk sa kabilang dareksyon at sinundan ko ito... isang usa ang tinamaan nya sa tyan. Napasinghap ako sa ginawa nya. Naawa ako sa usa.
"bakit mo sya pinatay?" salita ko dahil hindi ko na maatim ang nangyari. Nakita ko kung paano nya ko hanapin at ng tumingin sya sa dareksyon ko ay agad syang nabigla.
Bumaba ako, kung may tao.... ibig sabihin ay may mga bahay dito?
Hinarap ko ang lalaking hawak ang crossbow nya... kunot noong humarap din sakin.. katamtamang katawan na may malalim na mata.
Lumingon sya sa paligid "a-anong ginagawa ng babae dito sa gubat?" tinitigan ko lang sya "a-at bakit ka nasa puno?" nilingunan nya ang usa na nakahandusay.
"bakit mo sya pinatay? hindi ka ba naaawa sa kanila" bigla naman syang napatawa sa sinabi ko kaya ako naman ang kunot noo.
"bakit naman? pagkain namin yan dito" lumabas ang dimple nya sa pagtawa nya na syang nagpacute sa mukha nya.
"na-san ba ko kuya?" sumeryoso naman ang mukha nya... hindi ako natakot dahil walang bahid ng nakakatakot sa mukhang mukha.... yung mga lalaking nakaitim, yung lahat ng tao doon... yun! nakakatakot sila. Kahit gwapo yung..... err!

BINABASA MO ANG
THE TATTOO
Romantika"Maggie, lika" lumapit ako kay mama para suklayan ako ng buhok. Ito yung gustong gusto ko pag uuwi si mama galing trabaho nya. At kahit noong bata ako lage syang ganito sakin hanggang makatulog ako sa kandungan nya. "Pasensya ka na sa sakit na naram...