Lumabas ako sa CR na nakatapis ng aking twalya, pero laking gulat ko sa lalaking nasa harap ko sa may pinto. Nakasarado ang pinto namin sa kwarto at kita kong locked na ito.
Napasinghap ako ng humakbang ang lalaking nasa harapan ko. "maggie....." hinayaan ko syang lumapit sakin at pagmasdan ko ang mukha nya.
"a-awin..." ngumiti sya sakin pero bakas padin ang lungkot.
"maggie, iaalis kita dito" kinuha nya ang daliri ko na syang nagpatingin dito. "masaya ka na ba dito?" tumitig sya sakin.
Ngumiti ako sa kanya "pa-paano ka nakapasok dito? ... ba-baka mahuli ka nila" natatakot ako... baka kung anong gawin nila jake kay awin pag nakita nila dito.
"matagal na kitang pinupuntahan dito, nagbabakasakaling maitatakas kita dito" umiling ako... na lalong nagpakunot sa kanya
"ayaw munang umalis? masaya ka na dito? sa kanila?" inagaw ko kamay ko at mahigpit na hinawakan ang twalyang nasa katawan ko, baka mahulog e, mahirap na. "di ka nababagay dito sa loob" tinitigan ko sya sa mata, nakita ko kung pano umamo ang mukha nya sakin at pano sya naging concern sa kalagayan ko dito... pero di pa ito ang tamang oras.
Kailangan ko pang makakuha ng sagot! Gusto ko malaman ang iba pang bagay! gusto ko pang gumaling sa pakikipaglaban....
Bigla kong nahagip ang gumalaw na itim sa kisame.. napatingin ako doon at biglang kinabahan sa naisip... "shit!" naibigkas ko
"maggie... bakit?" kapit ang twalyang hawak ko hinigit ko ang kamay ni awin gamit ang isa ko pang kamay palabas ng pinto..
" awin! tumakas ka na!" madiin kong sigaw sa kanya at dali dali naman syang kumilos.. sinilip ko ang kabilang hallway at lalo akong nataranta ng may naririnig na kong yapak mula sa malayo... "umalis ka na... bago ka pa maabutan"
"no.... sasama ka sakin maggie" napapikit ako dala ng inis ko sa kanya, at hinatak nya isa kong kamay..
"awin! susunod ako... basta umalis ka lang ngayon!" muntik ko ng naisigaw ang huling salita ko para magmadali sya... iiling iling syang tumakbo patungo sa kanang hallway... gusto ko syang sundan pero nakatwalya ako...bwisit!
Pagkawala ng anino ni awin ang pagbukas ng pinto sa kaliwa ko na tanda na may darating, kaya akoy napasarado bigla ng pinto at dali daling naghalikwat ng mga damit ko.
"maggie" isang boses ang nagpatayo sa paghahanap ko, tumigil ako at di gumalaw... alam kong nakita nya kami ni awin dahil ang nakakabit sa kisame ay isang CCTV.
Isang mainit na kamay ang humaplos sa malamig kong balikat, hinalikan nya ito at ang aking likod ng tenga.
"maggie...." napapikit ako sa pagkakayakap nya sakin, bigla nalang akong di mapakali.. di ko alam kung dahil ba sa nakita nya kami ni awin o dahil sa mga haplos nya sakin. "hindi mo ko iiwan diba?" para bang akoy naguilty sa mga nangyari.
"m-magbibihis lang ako jake" kumalas naman sya sa pagkakayakap at hinayaan nya kong magbihis kahit nasa likod ko lang sya at akoy mabilis na nagbibihis.
Sinalubong ko ang seryoso nyang mukha na lalong nagpakaba sa akin... o may gad! Teka! may kasalanan pa sya sakin, yung imahe nilang dalawa ni mara ay may gumuhit na sakit sa aking puso. Napapikit ako.
"maggie... i love you" pagkakasabi nya sakin noon ay napamulat ako at kinonootan ko agad sya ng noo.. seryoso syang nakatitig sakin habang nakatayo padin ako sa harap nya.... kung mahal nya ko, ano yung kagabi? ano yung kiss na iyon? tinugon nya yon! hindi ako bulag..
Tumayo sya at inalalayan akong pakandong sa mga hita nya, di na ko nagreklamo dahil yun naman lagi nyang ginagawa sakin.
Umiwas ako ng titig ng hawiin nya ang basa ko pang buhok pasabit sa tenga ko. "Y-yung nakita mo kagabi..." bumuntong hininga sya, bakit sya nagpapaliwanag? tsk! "a-ano... nadala lang" napapikit ako ulit sa sakit na nararamdaman ko..."hindi mo naman ako iiwan diba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/64764332-288-k51516.jpg)
BINABASA MO ANG
THE TATTOO
Romance"Maggie, lika" lumapit ako kay mama para suklayan ako ng buhok. Ito yung gustong gusto ko pag uuwi si mama galing trabaho nya. At kahit noong bata ako lage syang ganito sakin hanggang makatulog ako sa kandungan nya. "Pasensya ka na sa sakit na naram...