Sinuri ko ang kwartong pinagdalhan sakin, hanggang ngayon ay nakatali padin ako. Tumayo ako at tinignan ang braso ko na may balot na benda, na di inabala ang longsleeve kong tanggalin, pero thanks nadin at binuhay ako ng boss nila.
Lumapit ako sa pinto pero napaatras ako ng bigla itong nagbukas at pumasok yung boss nila na malamig ang itsura. Napatingin sya sa kamay kong namumula at nagitla sa kutsilyong nilabas nya. Inalis nya ang makapal na lubid , agad kong minassage ang kamay ko "magpalit ka" binato na sakin ang V neck shit na gray. Napatingin ako sa longsleeve kong madaming dugo, mukhang kailangan ko ngang magpalit.
Ako? magpapalit ako? sa harap nya? tumingin ako sa paligid... walang banyo.
"Sa harap ko" ito na naman ang kabado kong katawan.
Tinutukan nya ko ng baril nya ng di pa ko nakilos, Tumalikod ako para hubadin at di nya makita ang dibdib ko. Nang maalis ko ang aking damit ay biglang nanlamig ang katawan ko sa kamay na mainit na humaplos sa likod ko. Sa tattoo ko.
"Ikaw pala" kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "bilis!" napabilis akong isuot ang bigay nyang damit. Pagharap ko, di ko inaasahang may nakatutok na saking baril.
Lumunok ako ng paulit ulit, maibsan man lang ang takot ko.
"Anong ginagawa mo sa truck?" gumalaw ang ulo nya pakanan na parang sinusuri ako "pinain nila ang magiging asawa ng pangulo nila?" lumiit ang mata nya. Kumunot ang noo ko.
"Hindi ako pain" mahina kong binigkas ito.
Agad syang lumapit sakin habang tutok ang baril sakin, kinapa nya ang bawat parte ng katawan ko na nagpasinghap sakin, dumapo ang kamay nya sa mukha ko... bumagal ang hininga ko kasabay ng paghila ko sa hawak nyang baril palayo at tinuhod ko ang private part nya na syang nagpaluhod sa kanya. Mabilis ang galaw ko pero ng bubuksan ko ang pinto patakas na sana ay nagsalita sya.
"Sige, lumabas ka! para mamatay ka ng tuluyan!, maraming nagaabang sa labas at pag nalaman nilang tatakas ka... papatayin ka nila!"Sigaw nya.
Humarap ako sa kanya, "anong balak mo sakin?" kita kong unti unti nyang tinatayo sarili nya.
"Pasalamat ka at binuhay kita" Alam ko, tinutok na naman nya ang baril nya at pwersahang hinila ako patalikod. Napahawak ako sa malaki nyang braso. Kinapa nya ang tenga ko, leeg ko at pati nadin ang buhok ko... ng wala syang nakapa, marahas nya ko tinulak sa pader.
Hingal akong nakipagtitigan sa kanya. "anong balak mo sakin?" madiin kong ulit sa kanya.
"Bakit ko sasabihin?" ngumiti sya, isang ngiting nagpakatal sa tuhod ko. "Bakit kaya nasa truck ka?" tumaas ang kilay nya.
"Bakit ko sasabihin?" gaya ko sa sinabi nya na syang nagpatawa sa kanya.
"Tapang mo sa mukha pero salungat sa katawan mo" napatingin ako sa nanginginig kong tuhod, shit! Sumandal sya sa pinto "wag ka mag alala... may ibibigay ako sayo" ngumiti sya sabay sa paglibot sa buo kong katawan. Nangilabot ko dahil doon.
Akala ko matapang na ko, akala ko kaya ko na... mukhang di ko pa kaya.
Umalis ang lalaki.
Unti unti akong dumulas paupo sa pwesto ko, sinandal ang likod sa pader ng kwarto, at tuluyan ng umiyak na kanina ko pa pinipigilan.
Nagising ako sa ingay ng babaeng nagmamakaawa, nagmulat ako ng mata. Isang malawak na silid at maraming mesa ang bumungad sakin. Malabo pa ito nung una na unti unting lumilinaw.
BINABASA MO ANG
THE TATTOO
Romance"Maggie, lika" lumapit ako kay mama para suklayan ako ng buhok. Ito yung gustong gusto ko pag uuwi si mama galing trabaho nya. At kahit noong bata ako lage syang ganito sakin hanggang makatulog ako sa kandungan nya. "Pasensya ka na sa sakit na naram...