Mula sa pagkakahiga ko ay napabangon ako ng pumasok yung lalaki. "get dress maggie" kumunot ang noo ko ng sabihin nya yun. May pumasok na madaming nakadress na pang kasambahay at may mga dalang paper bag. "mamili ka ng susuotin ngayon, magsasanay kang bumaril" seryoso sya ngayon kaya yung paper bag nalang tinignan ko.
Pagkalabas ng mga pumasok ay agad kong kinuha ang mga paper bag sa sofa doon at tiningnan muna ang mga tatak. Wow, mukhang mamahalin mga ito.
Una kong binuksan ay yung kulay red na paper bag. Dalawang black pants, iba ang tela nya.... malambot na kita mo agad na matibay. Yung isa naman ay Tatlong skirt na dark blue maong na may mga design. the rest ay yung mga sleeveless at shirt pero magaganda.
Yung black pants agad ang kinuha ko dahil ayaw ko ng skirt. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na lalabas ng maiksi ang suot, masyado yata akong ilang sa mga ganoon. Pag alam kong sa loob lang ng bahay e minsan nagshoshort ako, at dahil short lang available dito nung naghahanap ako ng damit ay sinuot ko na.
Tinago ko ang mga sleeveless ,ipapangbahay ko lamang iyon. Yung skirt din.
White shirt at black pants. wait? wala akong shoes! nilibot ko mata ko sa mga dinala dito pero wala , tinignan ko kabinet at may nakita akong sandals. okay naman siguro ito ano?
Lumabas ako ng matapos ako magbihis. Tinitigan ako ng lalaking nasa pinto na maraming tattoo sa leeg at braso , bumaba ang tingin nya sa paa ko kaya napatingin din ako doon.... anong masama sa suot kong white sandals? Umiling sya at lumakad kaya sinundan ko nalang sya.
Isang underground ang pinuntahan namin... sobrang lawak!
Lahat sila ay may suot na malalaking head set! ha! di ko alam ang tawag. Nabigla ako ng nagpaputok yung babae di kalayuan sakin tapos tumingin pa sakin. Ano na naman problema neto?
"here" mula sa likod ay inabot nung lalaking kasama ko kanina yung malaking head set "wear it" sinunod ko sya at sinundan ko sya sa table kung saan maraming nakalagay na baril.
Inabot nya sakin yung kulay black na baril... yung common na baril na nakikita kung saan.
"makinig ka, alsin mo muna yang nasa ulo mo at makinig ka sakin" tumango ako at inalis ang sinasabi nya. "di ko na ito uulitin sayo" tinignan ko kung paano unti unti nyang inaalis ang parts ng baril hanggang sa wala ng maalis doon. Pinakita nya sakin ang bawat parte at pinaliwanag sakin ng ayos... saka naman nya kinabit isa isa.
Habang nagpapaliwanag sya ay may pumulupot sa baywang ko na agad akong kinilabutan "hi" sabi nung lalaking kumuha ng virginity ko... shit! di ko pa naitatanong ang pangalan nya. Sino sya?
Ngiting ngiti nya kong tinitigan kaya ako na umiwas "Jake, wag mo muna syang guluhin ... tatapusin ko lang ginagawa ko para ikaw na magturo sa kanya sa next" jake? mmm not bad!
"Pasalamat ka Ali at may pakinabang ka sakin ..." tumawa yung ali saka umiling ulit.
"sya... tapusin mo na yan" kumuha si jake ng isang baril at tinutok kay ali na ito namang ali ay balewalang tumatawa "sumama ka sakin mamaya" binaba nya ang baril nya at hinagis doon sa dumaang lalaki sa gilid nya.. nasambot naman nung lalaki na parang sanay ng ginagawa nila yun.
"Di ako pwede.... umalis ka muna " seryoso na ulit ang mukha nung ali
"okay" naramdaman kong tinignan ulit ako ni jake at nabigla sa mabilis nyang halik sa pisngi ko.
Naramdaman ko tuloy na uminit pisngi ko. Umiling ulit yung ali ng umalis si jake sa harapan nya at bumaling sakin. "eto.... simulan mo" tumango ako "pag nasaulo mo na yan pwede mong ulitin ng ulitin hanggang sa bumilis ang pagkakabit mo" Hinagis nya ang hawak nyang baril na syang kinatakot kong mahulog, nakahinga ako ng nasambot ko ito. Uso ba dito ang hagisan ng baril? Tumalikod na sya at umalis.
BINABASA MO ANG
THE TATTOO
Romance"Maggie, lika" lumapit ako kay mama para suklayan ako ng buhok. Ito yung gustong gusto ko pag uuwi si mama galing trabaho nya. At kahit noong bata ako lage syang ganito sakin hanggang makatulog ako sa kandungan nya. "Pasensya ka na sa sakit na naram...