rape

342 7 0
                                    


 Gabi na at para akong tangang nagaabang ng pag uwi nya... May apoy sa gitna pero tama lang para mainitan at maliwanagan ang paligid.

 Pagkatapos kanina ay umalis sya at hanggang ngayon di pa din nauwi dito. Nag aalala na ko sa kanya. Pano kung ikalulon nya ko? pano kung sya na mismo magpaalis sakin dito? wala akong mapupuntahan pa. sobrang layo ng lugar na ito.

 Isang kalampag ng pinto ang nagpagulat sakin noon. Napatayo ako bigla ng bumukas ang pinto at mukha ng lalaking nagbigay ng baril ang bumungad sa harapan ko.Seryoso ang tingin sakin. Shit!

 Agad ko syang tinulak at lalabas sana kaso hinarangan ako ng dalawang lalaki na malalaki ang katawan. "pakawalan nyo ko!!!" sigaw ko.

 "maggie??" bumagsak ang mga kahoy na dala dala ni awin at kunot noong nakatingin samin.

 "awin" naiiyak kong tawag sa kanya.

 "Kiko's son! bakit mo tinago samin si maggie?" naluluha akong nakatitig kay awin habang nakatingin din sya sakin,

 "bakit nyo sya gusto patayin?" sakin padin ang tingin nya.

 "sorry?.... pero mali ka ata ng akala" huminga muna ng malalim "hindi ko sya papatayin kasi napakahalaga nya sakin" agad naman akong napatingin sa dareksyon ng lalaking nagbigay ng baril. SEryoso syang napapatingin saming dalawa. "kung ano mang relasyong meron kayo ay tigilan nyo na" malamig nyang banggit saka tumalikod.

 Tulala akong binuhat ng lalaking may malaki ang katawan at nakatingin lang kay awin na parang may gustong sabihin. Gusto ko syang yakapin. Im sorry... bigkas ko na walang boses sa kanya.


 Nanlumo ako ng isakay nila ako sa kotse nila. Napalingon ako sa lalaking katabi ko na tahimik at nakatingin lang sa labas. Kung hindi nila ako papatayin, kasi may tattoo ako tulad nila. Anong gagawin nila sakin? Mahalaga daw ako sa kanya. Paano? 


Dumating kami sa puting building , Binuhat padin nila ako hanggang sa ibagsak nila ako sa kama. Dun sa kwartong tinakasan ko. Tinignan ko ang kabuuan pero walang nagbago.

 Iniwan nila ako sa kwarto. Saglit akong natulala pero agad akong tumayo at pinuntahan ang bintana, paghawi ko ng bintana ay shit! may harang na bakal! tinignan ko ito ng maige.

 "Tatakas ka ulit?" agad akong napalingon sa lalaking nagsalita, kabado ko syang tinignan . Nakasandal sya sa pinto habang tinitignan ako. "gusto mo doon?" bumaba ang tingin ko sa daliri ko, kagat kagat ang labi ko.

Nahuli nya ko. omaygad!

Unti unti syang lumapit sakin "that was the first and last na mawawala ka maggie" hinawakan nya ko sa baba ng makalapit na sya sakin.. tinunghay nya ang ulo ko pero sa baba padin ako nakatingin.

 "look at me maggie" pero hindi ako natingin sa kanya, pumikit ako.

 Naramdaman ko nalang na hinawakan nya batok ko at siniil ng halik sa labi, agad ko syang tinulak ng malakas dahil sa pagkabigla. Tinitigan ko sya... nakita ko ang frustration nya sakin.

 "Pano ko ba makukuha loob mo maggie?!!" sigaw nya sakin.binagsak nya ang vase na nasa mesa na agad akong nabigla. Iniwanan nya ako sa kwarto ...pagkasarado ng kwarto ay narinig kong may kadena. Agad akong nakarecover at tumakbo papuntang pinto.

Kinalampag ko ang pinto "Wag mo kong ikulong!" sigaw ko "please" naiiyak kong pakiusap na umaasang buksan nila ang pinto. Ayoko dito. Gusto ko kay awin! unti unting nanlalabo ang mata ko dahil sa iyak ko.

Sumigaw ako ng sumigaw.... nagmakaawa na wag akong ikulong!

Pero dahil sa pagod ay iniyakan ko nalang ito hanggang sa makatulog ako sa sahig ng kwarto.

THE TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon