Prologue

39.6K 1K 33
                                    

"Sino ang babaeng iyan, Ethan?" matigas na tanong ng nito sa kanyang anak

Naduro sa akin ang hintuturo nito at puno ng panghuhusga ang mga mata nito. Napatingin sakin si Ethan at ako naman ay napahawak sa braso niya. Nakagat ko ang labi ko nang unti-unting alisin ni Ethan ang kamay ko sa braso niya. Parang may humihiwa sa dibdib ko dahil sa ginawa niya.

"I-It's not what you think, mom. S-She's just my friend and she wants to work for me as a maid. She needs money for her school fees." mabilis na depensa ni Ethan

Kumalma ng kaunti ang mukha ng ina nito pero nakatingin pa rin ito sakin ng may panghuhusga at binaba na nito ang nakaduro nitong hintuturo. Napayuko ako sa sinabi ni Ethan at pinigil ko ang mga luha ko na gusto ng mahulog.

"Mabuti naman kung ganoon. Akala ko ay may binabahay ka ng isang hampaslupa." nang-uuyam na sabi nito

"No, mom. She's just my friend. I just want to help her." malamig na sabi nito

"Siguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling, Ethan. Aalis na ako." masungit na sabi nito

Narinig ko ang yabag nila papalayo at doon lang ako nag-angat ng mukha. Pinunasan ko ang pisngi ko nang makawala ang isang butil ng luha ko. Halos mag-iisang buwan na kami ni Ethan at ni minsan ay hindi niya ako pinakilala sa magulang niya. Kaya pala ayaw niya akong ipakilala dahil hindi ako magugustuhan ng nanay niya.

Bumalik si Ethan at nakatingin ito sakin ng malamig. Imbes na magpaliwanag siya sa ginawa niyang pagsisinungaling at humingi ng paumanhin ay nakatanggap pa ako sa kanya ng masakit na salita.

"Kita mo na ang nangyari? Sinabi ko na sayong wag kang magtungo dito sa bahay ko." malamig na sabi nito

"N-Nag-aalala lang naman ako dahil hindi ka nagrereply sa text ko at hindi mo sinasagot ang tawag ko." nakayukong sabi ko

"Stop being clingy, Sapphire! May tinatapos lang akong trabaho kaya hindi kita mareplyan! How can you recklessly go here?! Paano pag nalaman ng mommy ko na may relasyon tayo?! Ha?!" singhal nito sakin

Natahimik ako sa sinabi niya at hinayaan ko ang luha kong mahulog. Tangina lang. Pagkatapos may mangyari samin noong isang gabi ay naging malamig na siya sakin. I love him. Noong una ay ramdam ko na gusto rin niya ako pero nagbago ang lahat nang may mangyari samin. Dahil ba virgin ako at walang karanasan?

"P-Pasensya na. A-Aalis na lang ako." umiiyak na sabi ko

"You better be!" singhal nitong ulit bago ako iwan sa sala

Napahikbi ako sa inasal niya at wala sa sariling naglakad ako palabas. Walang tigil ang iyak ko habang nakasakay ako sa taxi. Wala na akong pakialam kung tinitignan ako ng driver dahil ang gusto ko lang ay mabawasan ang sakit sa dibdib ko.

Tinanggap ko naman si Ethan kahit na alam ko na babaero siya. Tumigil na siya sa pambababae nang maging kami pero hindi ko alam kung bakit nanlalamig siya sakin. Minahal ko naman siya at hindi ako nagkulang, di ba?

Nagpahatid ako sa apartment ko at nagmukmok ako buong magdamag. Hinintay ko na tawagan ako ni Ethan. Hinintay ko siya dahil baka sakaling puntahan niya ako at humingi ng tawad. Kahit simpleng text lang na 'sorry' papatawarin ko naman siya eh. Kahit hindi na siya magpaliwanag.

Nagdaan ang isa, dalawa, tatlong araw hanggang sa isang linggo pero wala akong natanggap na text o tawag mula sa kanya. Hindi siya nagpunta sa apartment ko. Wala na ba akong halaga sa kanya?

Nagbihis ako at nagpasya na magpunta sa bahay niya. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay niya. Pinapasok naman ako ng guard dahil kilala na ako nito. Napahinto ako sa pagpasok nang makita ko si Ethan sa sala at may kausap na lalaki. Pareho silang nakatalikod sa direksyon ko kaya hindi ko makita ang mukha ng lalaki. Lalapit na sana ako nang magsalita ang lalaking kasama nito.

"Are you having a serious relationship with that girl?" walang emosyon na tanong ng lalaking kasama niya

"Who? With Sapphire?" natatawang tanong ni Ethan

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ko. Gusto ko pang marinig ang sasabihin niya. Gusto kong malaman kung mahal ba niya ako o minahal man lang ba niya ako.

"Bakit? May iba ka pa bang babae? Mula nang makilala mo siya ay hindi ka na nag-aayang mag-bar maliban nalang nitong mga nakaraang araw." sabi ulit ng hindi ko kilalang lalaki na kasama niya

"You know me, bro. I always play. Malas nga lang niya dahil nakuha niya ang interes ko. Akala ko ay hindi talaga siya interesado sakin kaya na-challenge ako. Hindi ko alam na bibigay din pala siya." tunatawang sabi nito

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya at natuod ako sa kinatatayuan ko. Laro lang pala ang lahat? At nahulog naman ako sa laro niya? Nakakatawa. Ang tanga ko. Sa unang pagkakataon na nagmahal ako, pinaglaruan lang pala ako at binigay ko pa ang isang bagay na mahalaga sakin.

Tama nga ang sabi nila. Hindi porket mahal mo ang isang lalaki ay ibibigay mo na lahat ng meron ka para pag sakaling iniwan ka niya, may matitira pa rin sa'yo. Gusto kong sabihin ang linyang, 'Nagmahal lang ako.' Pero sinong niloko ko? Ginusto ko na ibigay sa kanya ang pagkabirhen ko. It was my choice and he never forced me.

"You're a jerk." wala sa sariling sambit ko

Napatingin sakin si Ethan at parang hindi na ito nasorpresa na naroon ako. Parang inaasahan na nito na magpupunta ako sa bahay niya.

Nandito na rin lang naman ako ay susulitin ko na ang huling pagkakataon na tatapak ako sa pamamahay niya. Lumapit ako sa kanya at ubod lakas siyang sinampal. Napabaling sa kaliwa ang mukha niya at namula ang pisngi nitong sinampal ko. Dinuro ko siya habang nanginginig ako sa galit.

"I regretted every memories I had with you! I regretted all those words I told you! I regretted the night I shared with you! And I regretted that I love you! Sana hindi na kita nakilala pa! Ito ang tatandaan mo, Ethan. Babalik sa'yo lahat ng ginawa mo sakin. Be careful dahil baka paggising mo kinabukasan, katabi mo na si karma. Sa susunod na magkrus ang landas natin, sisiguraduhin ko na babalik sayo lahat ng ginawa mo at sisiguraduhin ko na luluhod ka sa harap ko." puno ng galit na sabi ko at tinalikuran siya

Aalis na sana ako nang may maalala ako. Kinuha ko ang isang folder at nilabas ang isang papel. Humarap ako sa kanya at nilapag sa kaharap niyang lamesa ang papel.

"Pirmahan mo ang dokumentong ito. Bago ako magpunta rito ay balak ko ng makipaghiwalay sa'yo. Nakasaad sa dokumentong ito na hindi ka na pwedeng lumapit sakin o magkita pang muli." malamig na sabi ko at inabot ang isang ballpen

Tahimik na kinuha nito ang ballpen at basta nalang doon pumirma. Kinuha ko ulit ang papel at sinilid sa folder.

"Hindi mo man lang binasa ang dokumento. Paano kung iba ang nakasaad sa dokumentong pinirmahan mo?" sarkastikong sabi ko

"I know you. Alam ko na iyon ang nakalagay sa dokumentong pinirmahan ko." malamig na sabi nito

Nagkibit balikat lang ako at umalis na sa lugar na iyon. Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagtalikod ko rin sa isang masakit na alaala. Pagsisisihan niya ang ginawa niya at pag nakita kaming muli, tatapusin ko ang larong sinimulan niya.

You're a good player, Ethan. But I am a better player.

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon