Chapter 9

25.4K 795 45
                                    


Anong magandang lipstick? Red? Pink? Or Nude? Black kaya? Baka magmukha akong kontrabidang mangkukulam kapag nagblack lipstick ako.

Kinuha ko yung red matte lipstick ko at iyon ang nilagay ko. Nagpout pout pa ako sa salamin nang matapos kong lagyan ng lipstick ang labi ko. What? Ganoon din naman kayo pag naglilipstick, ah! May panguso nguso pa kayo. Alam ko yun dahil gawain ko rin.

Nagpacute pa ako sa salamin bago ako nasatisfy sa ayos ko. At syempre hindi ko makakalimutan ang pagseselfie!

"Ang ganda ko talaga!" nakangiting puri ko sa sarili ko

Nilagay ko na pouch ko ang cellphone ko at sinuot ko na ang black pumps ko. Ngiting-ngiti akong lumabas ng kwarto ko at bumaba na ako dahil siguradong hinihintay na ako nila mommy.

"Let's go." nakangiting yakag ko sa kanila

Binuksan ng driver ang pinto ng limo at pinauna ako nila daddy kaya pumasok na ako sa loob. Napasinghap ako nang pagkaupo ko at nilibot ko ang paningin ko sa loob ng limo. I miss riding a limo.

Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa restaurant kung saan kami magdidinner. May kaunting kaba akong nararamdaman pero mas nangingibabaw ang antisipasyon kong makita ang gulat na mukha ni Ethan at ng mommy niya.

"We're here, Madame, Sir." imporma samin ng driver

Pinagbuksan kami ng head bodyguard nila dad. This is one of what I hate, bodyguards. Nakasunod ang ilang bodyguards samin habang papasok kami sa restaurant. Sa isang VIP section kami ng restaurang kaya agad kaming sinalubong ng manager ng restaurant.

"Good evening, ma'am, sir. This way please." magalang na bati nito samin

Sumunod naman kami sa kanya at pumasok kami sa elevator. Pinindot niya ang 2 kaya malamang ay sa second floor kami pupunta. Bumungad samin ang malawak na pathway at ang malaking chandelier pagkalabas namin ng elevator.

Giniya niya kami sa isang mesa na nasa tabi lang ng glass wall kung saan kita ang maraming ilaw na nanggagaling sa ilang buildings at sasakyan. Pinaghila ako ng upuan ng waiter habang si dad naman ay pinaghila rin si mommy.

"The El Greco's will be here any minute from now." anunsiyo ng manager samin kaya tumango sa kanya si daddy at nagpasalamat

Hindi nga nagtagal ay natanaw ko na ang mag-asawang El Greco at nasa likuran nila si Ethan na tumitingin sa paligid. Tumayo si daddy at agad na sinalubong si Tito Lucas. Sumunod din si mommy na nakipagbeso kay Tita Leandra.

Nasa likuran nila ako at natakpan ako ng bulto nila dahil nanatili akong nakaupo. Giniya nila ang mag-asawang El Greco at agad na nagtama ang mata namin ni Ethan. He stared at me for a moment then his eyes went wide and his lips parted in shocked.

Tumayo ako at matamis na ngumiti sa magulang niya.

"I'm Sapphire Lee Cortez. You can call me Sasa." matamis na sabi ko at naglahad ng kamay

Si Tito Lucas ang unang nakipagkamay sakin at may magiliw na ngiti sa labi niya.

"Nice to meet you again, hija. You looked gorgeous tonight." magiliw na sabi nito sakin

Mahina akong natawa sa sinabi ni Tito Lucas at walang halong pagpapanggap ang tawang iyon. My dad told me that he's kind and I can feel it, too.

"I'm always gorgeous, Tito." pagbibiro ko rito na ikinahalakhak niya

"You have a great daughter, kompadre. Hindi mo man lang nabanggit na mapagbiro ang anak mo." natatawang sabi ni Tito Lucas kay dad na pangisi ngisi sa kanya

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon