Chapter 12

26.4K 844 85
                                    

SAPPHIRE

Isang araw na mula nang makalabas sa hospital si Jasper. Hindi muna namin siya pinapasok sa school para makapagpahinga siya ng maayos tutal ay pinoproseso na namin ang pag-transfer niya ng school. Nakausap ko na rin siya tungkol sa paglipat nila ni Lola sa mansion nila mommy na agad niyang ikinatuwa.

Excited na nga siya at pinagpipilian niya yung mga laruan niya na dadalhin niya dahil hindi naman niya pwedeng dalhin lahat iyon. Pinagmamasdan ko siya habang binibilang niya yung mga laruan niya na nasa sahig.

"9...10...11...12...13...14...16? 19? Mom, what comes after 14 again?" nagkakamot sa ulo na tanong nito

"15!" natatawang sagot ko kaya napanguso siya at inumpisahan ulit ang pagbibilang

"Mom, can I meet daddy? He's living in Manila too, right?" tanong nanaman nito sakin

He looked at me with a serious expression and I felt like being lost in those deep black eyes. Para siyang si Ethan kung manitig at pag seryoso ang mukha niya mas nagiging kamukha niya ang daddy niya.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya at hinaplos ang mukha niya. I can do everything just to make him happy and give him a complete family.

"Soon, anak. Dadalhin kita kay daddy. Trust me, okay?" masuyong sabi ko sa kanya

Marahan siyang tumango sakin at bumalik na ulit siya sa paglalaro. Napatingin ako sa relo ko at napagtanto kong malapit ng mag-lunch. Kailangan ko ng makabalik sa Manila para mailipat sa bahay ni Ethan ang mga gamit ko.

He doesn't know that I'm moving in his house kaya dapat bago pa siya makauwi nandoon na ang mga gamit ko. I want to see his reaction pag nakita niya ako sa bahay niya.

"Anak, aalis na si mommy. Babalik ako ulit dito pag lilipat na kayo sa Manila." paalam ko kay Jasper

"Mommy, tumawag ka po pag nakauwi ka na." malambing na sabi nito at humalik sakin kaya napangiti ako

Nagpaalam na rin ako kay lola at binilin ang anak ko. Nagpahatid ako sa driver ni lola sa may helipad ni lola dahil pinabalik ko na yung chopper. Tinanong ko nung isang araw si dad at sinabi niya na hindi niya ako pinapasundan.

Mas makakabuti kung yung chopper ni lola ang gagamitin ko kesa pabalikin ko yung chopper nila daddy. Hindi ko alam kung sino iyon kaya mas mabuting maging maingat.

Muntik ko ng makalimutan na may usapan nga pala kami ni Zea ngayon na magpupunta kami sa mall. Kahapon sana iyon pero sinabi ko na hindi ako free kaya nilipat niya ang araw. Mahirap tanggihan ang kaibigan kong iyon lalo na't buntis. Bakit ba ako napapaligiran ng mga buntis? Hays. Baka bukas na ako makalipat sa bahay ni Ethan.

"Ma'am, tumutunog po ang cellphone niyo." imporma sakin ng isa sa mga tauhan ni lola na kasama ko sa loob ng chopper

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot agad nang makita kong si lola ang tumatawag.

"'La? Nasa daan pa lang po kami. Bakit po?" malumanay na tanong ko

"Pinapaimbestigahan ka ng lalaking nagngangalang Ethan El Greco. Kilala mo ba ang taong yun?" seryosong tanong ni lola

Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi ni lola. Hindi na ako magtataka kung malalaman niya ang ganitong bagay dahil maraming koneksyon si lola, perks of being a businesswoman.

But why would Ethan do that? Hindi na dapat ako magtaka na mabuhay ang kyuryosidad sa katawan ni Ethan. Posible rin na tauhan niya ang sumusunod sakin dati. I need to be more careful.

"Yes, he's my fiancè and Jasper's dad." sagot ko

Napasinghap si lola sa sagot ko at saglit na natahimik.

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon