Chapter 10

26.9K 801 108
                                    

SAPPHIRE

Mabilis akong bumaba ng chopper at sinalubong ako ng mga tauhan ni lola.  Agad kaming tumungo sa kwarto ni Jasper at nasa isang presidential suite pala siya ng hospital.

"Lola!" tawag ko kay lola pagkabukas ko ng pinto

Tumayo siya nang makita ako kaya lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi niya. Sunod ko namang nilapitan ang anak ko na nakahiga sa kama. Medyo namumutla ito at may nakatusok sa kanyang dextrose. Masuyong kong hinaplos ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.

"Ano daw pong findings, lola? Malala po ba?" nag-aalalang tanong ko kay lola

"May dengue daw siya pero hindi naman malala dahil nadala namin agad siya dito." sagot ni lola

Napatingin kami sa pinto nang bumukas iyon at may pumasok na lalaking nurse. May dala siyang maliit na stainless na lalagyan. May isang tube doon, karayom at iba pa na hindi ko alam. Kung hindi ako nagkakamali equipment iyon para kumuha ng dugo. 

Tinignan muna niya yung dextrose bago siya naupo sa tabi ni Jasper. Tumingin siya sakin nang makita niyang nakatingin ako sa ginagawa niya.

"Ma'am, gigisingin ko muna ang bata para makakuha ng dugo at makainom din siya ng gamot." imporma nito sakin kaya tumango ako sa kanya

"Ako nalang ang gigising sa kanya." sabi ko sa kanya at pumayag naman siya

"Anak, gising ka muna. Iinom ka ng gamot." marahan kong tinatapik ang pisngi niya at unti-unti siyang nagmulat ng mata

Ngumiti siya sakin nang masilayan niya ang mukha ko.

"You're here, mommy." napapaos na sabi nito at yumakap sakin

"Yes. I'm here. Come on. You have to drink your medicine." nakangiting sabi ko sa kanya habang yakap ko siya

Kinuha ko mula sa nurse iyong syrup na nasa measuring cup at binigay kay Jasper. Ininom naman niya iyon agad kaya pinainom ko siya ng tubig pagkatapos.

"Kukuhanan ko na po siya ng dugo. Pakihiga nalang po muna siya." pagpapaalam ng nurse sakin na agad ko namang ginawa

"Mommy..." naiiyak na tawag sakin ni Jasper nang makita niyang tinalian niya ang braso niya

"Kukuha lang sila ng dugo, anak. Mommy is here. Don't worry." pag-aassure ko sa kanya

Hinarap ko ang mukha niya sakin at niyakap siya para hindi niya makita ang gagawin ng nurse. Pumalahaw siya ng iyak nang iturok na ng nurse iyong karayom.

"Tapos na. Wala na. Shhh." pagpapatahan ko sa kanya nang mailagay na ng nurse yung bulak sa parteng pinagkuhanan niya ng dugo

Tumigil na siya sa pag-iyak pero humihikbi pa rin siya at nagsusumiksik sakin.

"Sapphire, okay lang ba kung iwan muna kita dito? Ikukuhanan kita ng damit para makapagpalit ka." paalam sakin ni lola

"Sige po. Kahit bukas na kayo ng umaga bumalik para makapagpahinga kayo." bilin ko sa kanya

"Ipapadala ko nalang sa tauhan ko yung mga damit mo. Tawagan mo ako pag may kailangan ka." bilin ni lola sakin

Tumango ako kay lola at ngumiti. Lumapit naman siya sakin at niyakap ako.

"Thank you, lola." nakangiting sabi ko

Ngumiti lang siya pabalik sakin bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ni Jasper. Bigla kong naalala si Ethan nang sabihin ni lola na tawagan ko siya. Sinabi pala niya sakin na tawagan ko siya pag nakarating ako.

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon