Chapter 21

22.5K 655 62
                                    

SAPPHIRE

Nanatili akong nakatitig sa kisame ng kwarto ni Ethan at tanging kumot lang ang nagtatakip sa katawan naming dalawa. Mahimbing ang tulog niya sa tabi ko at napapaisip ako kung makakatulog ba siya ng ganito kahimbing pag nalaman niya ang lahat. Napapaisip rin ako kung ano nga ba ang dahilan ko at bumalik ako.

I want revenge and I want to be with him. Ganoon ba talaga kahirap maging masaya? Kailangan munang dumaan sa butas ng karayom? I was happy back then and I am ready to forget everything. I want to build a family with the man who never leave my side and loved me for who I am.

Pero bakit kung kailan handa na akong maging masaya tsaka naman kukunin ang kasiyahan ko? Bakit hanggang ngayon hindi ko magawang kalimutan ang pagmamahal ko sa lalaking katabi ko na walang ibang ginawa kundi ang saktan ako?

Pinunasan ko ang luha ko at bumangon kahit na hindi pa sumisikat ang araw. Lumabas ako ng bahay ni Ethan nang matapos akong magbihis at sumakay sa kotse ko. Nagtungo ako sa Citrine's Place at doon nagpalipas ng oras. Nasa kwarto lang ako at nakatitig sa litrato naming apat.

Kahit magdadalawang taon na ang nagdaan, hindi ko pa rin makalimutan ang maganda at maamong mukha niya. My little princess, Citrine. Mommy loves you very much.

Nagdrive ako papunta sa mansion nang mag-ala sais dahil siguradong gising na si lola ng oras na yun. Hinahanap ko agad si lola nang makarating ako sa mansion. Kailangan naming mag-usap sa lalong madaling panahon. Naabutan ko si lola na nagkakape sa garden habang may hawak na dyaryo.

"Lola..." tawag ko sa kanya at agad naman siyang tumingin sakin na parang inaasahan na niyang pupuntahan ko siya

"That good for nothing jerk doesn't know anything. Hindi rin niya nakita si Jasper maliban sa picture na nasa sala. He was curious with Jasper but he doesn't even have the guts to look at him. May tanong ka pa ba?" sunod sunod lang na sabi ni lola habang nakatingin sa dyaryong hawak niya

"May sinabi kayo sa kanya, diba? He will not act the way he did last night kung wala siyang nalaman." seryosong sabi ko kay lola

Binaba ni lola ang hawak niyang dyaryo at tinignan niya ako ng may maliit na ngisi sa labi niya.

"I just told him to ask her mother and I want to kill her. Oh, I also told him that I will not stop you if you want to kill her." balewalang sabi ni lola

Napapikit ako ng mata ko at napabuntong-hininga. I can't stop my grandmother dahil alam ko na gagawin niya kahit na anong gusto niya at walang makakapigil sa kanya dahil pabebe siya. Magsasalita pa sana ako nang may ilapag siyang folder sa mesa.

"What's this?" nakakunot noong tanong ko

"Records of children in different orphanage. May mga information dyan na tugma sa pagkakawala ni Citrine--"

"She's dead, lola!" inis na pagpuputol ko sa kanya

"I don't want to believe that my great granddaughter is dead! How can you be so sure that she's Citrine kung hindi mo naman pina-DNA test ang batang nakuha niyo? Titigil lang ako pag pumayag kang ipa-DNA ang batang iyon!" inis rin na sabi ni lola

"She suffered a lot, lola. I already identified her from her clothes and her necklace." naiiyak na sabi ko kay lola

"Pero hindi nagtutugma ang mga pangyayari sa kung saan siya natagpuan, Sapphire! Mas madali bang isipin na patay na si Citrine? Ganoon ba kadali iyon, Sapphire?" mariing tanong sakin ni lola

"She's my daughter! And you know how it hurts to lose your daughter. Citrine is dead, lola. Please stop looking for her. Ayokong umasa sa isang bagay na malabong mangyari. And I am doing this for Jasper." lumuluhang sabi ko kay lola

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon