Chapter 15

24.5K 703 22
                                    

SAPPHIRE

Iniwan ko si Ethan sa restaurant at nagtungo ako sa bahay ko. Lilipat pa ba ako? Kailangan kong lumipat dahil baka bigla siyang pumunta sa mansion at makita niya ang anak ko, oo anak ko lang muna dahil gago siya.

Nilagay ko sa maleta ko yung mga gamit na kailangan kong dalhin sa bahay ni Ethan. Sabi sakin ni Henry kanina gagabihin daw ng uwi si Ethan dahil may mga nakatambak siyang trabaho. Dapat mauna ako sa kanya sa bahay niya para maayos ko na ang mga gamit ko pagdating niya.

Nilagay ko sa kotse ko ang dalawang malaking maleta ko tsaka ako nagdrive pabalik sa bahay ni Ethan. Sinalubong ako ni manang nang makarating ako at agad niyang kinuha ang mga gamit ko.

"Jeng! Tulungan mo kami ni Sapphire dito!" malakas na pagtawag ni manang sa isa pang kasambahay ni Ethan

Tumalima naman agad ito at sinamahan niya kami ni manang na mag-akyat ng mga gamit ko.

"Sa guest room nalang po ako, manang." mabilis na sabi ko kay manang nang ipapasok na sana niya ang isang maleta ko sa kwarto ni Ethan

"Naku, hija. Nakalock yung mga guest room at si Ethan ang nagtatago nung mga susi. Isang beses sa isang linggo lang kami naglilinis ng guest room kaya wala kaming susi." paliwanag sakin ni manang

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni manang at kahit na ayaw ko, wala akong nagawa kundi dalhin ang mga gamit ko sa kwarto ni Ethan. Ayoko sanang manatili dito sa kwarto niya dahil magkagalit kami baka bigla niya akong ipatapon sa kung saan.

"Salamat po." nakangiting sabi ko kay manang at Jeng

"Tawagin mo lang kami kung may kailangan ka." bilin ni manang bago ako iwan sa kwarto ni Ethan

Agad na binuksan ko ang mga gamit ko at inayos. Malawak ang walk-in closet ni Ethan at inayos ko rin ang mga gamit niya. Kahit kailan talaga ay burara pa rin ang lalaking yun. Nasa kaliwang bahagi ang mga gamit niya habang yung sakin ay nasa kanan. Napangiti ako nang makita ko ang itsura ng walk-in closet. Parang nagkakulay ito at nagkabuhay dahil sa mga makukulay na damit at sapatos ko.

Sunod kong inayos ang mga toiletries ko. Nilagay ko rin ang hair iron at blower ko sa may drawer sa banyo. Nang matapos ako ay sunod kong tinago ang maleta ko. Napatingin ako sa orasan at nakita kong ala-singko na pala. Nanlalagkit na ako sa katawan kaya mabilis akong naligo. Mamayang ala-syete pa ang dating ni Ethan.

"Oh Sapphire? Tapos ka na sa pag-aayos ng mga gamit mo?" tanong sakin ni manang nang bumaba ako at nagpunta sa kusina

"Tapos na po." nakangiting sagot ko habang kinakalkal ang cupboard

Nilabas ko ang mga ingredients na kailangan ko para sa gagawin kong Caramel Tart. Mabuti nalang at mayroon silang mga ingredients na kailangan ko.

"Makakatikim nanaman ako ng masarap na luto mo." masayang sabi ni manang

"Dessert po ang gagawin ko. Okay lang naman po siguro ang matamis sa inyo." nakangiting sabi ko habang nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa ko

"Oo naman basta hindi palagi." natatawang sagot ni manang

Tinuloy ko na ang paggawa ng Caramel Tart at binawasan ko ng asukal ang ginagawa kong caramel filling dahil ayoko ng masyadong matamis. Nilagay ko iyon sa oven nang matapos ako.

Tumulong muna ako sa niluluto ni manang para sa dinner habang hinihintay kong matapos ang binebake ko. Pagkaraan ng labinlimang minuto ay tapos na ang binebake ko kaya maingat ko itong nilabas sa oven para palamigin bago ilagay sa fridge.

"Ang bango naman niyan, ma'am!" masiglang sabi ni Jeng at sa ningning palang sa mata niya, mahahalata ko ng mahilig siya sa matatamis

"Wag kang mag-aalala dahil bibigyan din kita niyan." natatawang sabi ko sa kanya

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon