Chapter 36

22.7K 586 65
                                    

Hindi ko maalis ang titig ko sa babaeng nasa harapan ko na kanina pa umiiyak. Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala at hindi ko alam kung anong meron sa kanya para mapapayag ako na makipagkita sa kanya.

Tumawag siya sakin kagabi at sinabing kailangan naming magkita. Hindi ko siya kilala pero pumayag ako na makipagkita sa kanya lalo na nang sabihin niyang may kailangan akong malaman tungkol kay Ethan.

"I-I'm sorry. I-I'm really sorry." umiiyak na sabi nito sa hindi ko malamang kadahilanan

"Miss, may trabaho pa ako kaya sabihin mo na ang kailangan mong sabihin." seryosong sabi ko sa kanya

Pilit nitong pinupunasan ang mukhang hilam sa luha. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.

"H-Hindi ko ginustong may mangyari samin ni Ethan kagabi. Believe me. H-He's my half-brother at hindi ko magagawa iyon kung nasa matinong pag-iisip lang ako kagabi. P-Patawarin mo ako. Walang kasalanan ang kapatid ko. S-Sana wag mo siyang iwan. S-Sakin ka nalang magalit." umiiyak na sabi nito habang nakaluhod

Umawang ang labi ko sa sinabi niya at nanlamig ang katawan ko. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ang sinasabi nito. Papaniwalaan ko ba ang isang babaeng hindi ko kilala? Baka isa lang siya sa mga taong gustong sirain ang relasyon namin ni Ethan.

"W-Walang kapatid si Ethan at hindi niya magagawa ang sinasabi mo." matapang na sabi ko sa kanya kahit na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko

"H-He was drunk kaya pinatulan niya ako and I was drugged by Leandra's men. K-Kahit wag mo na akong patawarin basta patawarin mo ang kapatid ko. M-Mag-ingat ka rin kay Leandra." sabi nitong muli

Gusto ko siyang lapitan at patayuin mula sa pagkakaluhod niya dahil ramdam ko sa boses niya ang takot pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nanlamig ako nang marinig ang pangalan ng ina ni Ethan.

Ginawa ni Leandra ang bagay na iyon? Hindi ko alam na gagawa siya ng ganoong bagay.

"Bakit niya ginawa iyon sayo?" tanong ko sa kanya

"Dating mag-bestfriend ang ina namin ni Ethan at si mama ang nobya ni Lucas El Greco pero ang hindi alam ni mama, nahulog si Lucas El Greco kay Leandra. Nang malaman ni mama ang tungkol doon, nakipaghiwalay siya at nagparaya kay Leandra na may gusto din pala kay Lucas El Greco. Hindi alam ni mama na buntis siya noon sakin at hindi na sila nakapag-usap ulit ni Leandra.

Leandra tried to reach out dahil gusto niyang magkaayos sila ni mama pero nalaman niya na buntis si mama sakin. Leandra thought that my mother will use me to get Lucas El Greco back. She tried to kill my mother and she almost had a miscarriage. Hindi sinabi ni mama na buhay ako at pinalabas na nakunan siya para protektahan ako.

Fourth year high school na ako nang malaman ni Leandra na buhay ako. N-Namatay si mama sa pagprotekta sakin at nakatakas ako. Pero nahanap ulit ako ni Leandra kamakailan lang. D-Dinakip nila ako at tinurukan ng droga. Balak niya akong ipa-gang rape pero nakatakas ulit ako at napadpad sa bar.

Doon ko nakita si Ethan. Nasa ilalim ako ng impluwensiya ng droga kaya hindi ko alam kung anong sumunod pang nangyari. Hindi ko rin alam na kapatid ko siya. Nalaman ko nalang nang makita ko ang family picture nila sa condo niya."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Siguro maniniwala pa ako sa kwento niya tungkol sa mga magulang nila ni Ethan pero ang sinabi niya na may nangyari sa kanila, hindi ko ata kayang paniwalaan iyon.

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon