Chapter 18

26.6K 704 17
                                    

SAPPHIRE

Nagising ako dahil sa malakas na pag-ring ng cellphone ko. Nakapikit kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang caller.

"Hello?" inaantok na sagot ko

"Your voice sounds hot in the morning."

Napamulat ako ng mata at agad na napanbangon nang marinig ko ang boses ni Calvin. Naalala kong tinext ko pala siya kagabi na wag na niya akong turuan, simple lang naman siguro ang gagawin namin sa entourage at rarampa lang kaso nilipat ngayong araw yung last rehearsal para polished na daw lahat.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Calvin at agad akong nagtungo sa banyo nang makita kong alas nuebe na pala ng umaga. May usapan pa pala kami ni Tito Lucas after lunch.

"Where are you? We're waiting for you here." imporma nito sakin

"Shoot! Pupunta na ako dyan!" natatarantang sabi ko at agad na binaba ang tawag

Naging mabilis ang kilos ko para makaalis agad ako ng bahay. Hindi man lang ako ginising ni Ethan nang magising siya. Masapak nga iyon mamaya. Nagsuot ako ng jeans na tinernuhan ko ng off-shoulder blouse tapos nagsuot ako heels. Nakamessy bun lang din ang basa ko ng buhok at hindi na ako nag-abalang magmake up pa.

Natanaw ko agad ang wedding coordinator nang makababa ako ng kotse ko. Sinalubong naman niya ako agad at hinila sa pila ng mga kasama sa mga entourage.

"Hey, you made it in time." nakangiting bati ni Calvin sakin

"Thanks for calling me awhile ago." nakangiti ring sabi ko at umangkla na sa braso niya

The wedding coordinator explained me the things I need to do. Hindi naman pala ganoon kahirap ang gagawin ko dahil rarampa lang kami ni Calvin. Ang mga usherettes at ushers na daw ang bahala sa iba.

"Let's start!" sigaw ng wedding coordinator

Pumailanlang sa boung paligid ang kanta at nagsimula ng maglakad papasok ang mga kasali sa entourage. Nagbago ang kanta sa kalagitnaan ng entourage at saktong chorus na nang kami na ang sunod ni Calvin. Nakangiti ako habang nakaangkla sa braso niya.

"Pwede bang kumaway habang rumarampa?" natatawang bulong ko kay Calvin

"Hindi ito fashion show kundi kasal." tumatawang sabi niya

"Ang haba naman nitong lalakaran natin." natatawa pa ring reklamo ko

"Buhatin nalang kaya kita para mabilis tayong makarating?" pagsakay niya sa biro ko

Mahina kaming nagkatawanan hanggang sa makarating kami sa dulo. Ilang ulit naming ginawa ang ganoong routine. Lumapit ako kay Devon nang matapos ang rehearsal namin, anak siya ni Jaxon at siya ang ring bearer. Kasama niya ang mommy ni Jaxon kaya bumeso ako sa kanya.

"Kumusta po si Reina, Tita?" tanong ko kay Tita Elizabeth habang yakap yakap ko si Devon

"Ayos lang naman siya, hija. Nababagot na nga iyon sa bahay nila dahil ayaw siyang palabasin ng asawa niya." naiiling na sagot ni Tita

"Hindi naman po natin masisisi ang anak niyo. Muntik ng mapahamak yung mag-ina niya." komento ko

Kinuha ni Calvin si Devon at binuhat niya ito. Sinama niya muna ang bata kung saan kaya nagkaroon kami ng time ni Tita na magkwentuhan. Nakwento ni Tita Elizabeth sakin na nasabi raw sa kanya ni Calvin kung paano kami nagkakilala at hindi niya maiwasan na tuksuhin ako tungkol sa kanya na ikinatawa ko lang.

"Tita, gusto na daw umuwi nitong apo niyo." natatawang sabi ni Calvin na bigla nalang sumulpot

Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong tanghali na pala. Kumain na kaya ang unggoy na yun?

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon