Chapter 23

21.6K 617 146
                                    

SAPPHIRE

Kasalukuyan akong naghahanda ng agahan namin nang pumasok sa dining room si Jasper. Papungas pungas pa siya at halatang bagong gising. Mahina akong natawa nang makita ko ang inaantok niyang itsura.

Kahit saang anggulo ko tignan hindi ko maipagkakaila ang pagiging magkamukha nila ni Ethan. Mukhang narinig niya ang mahinang tawa ko dahil napatingin siya sakin.

"Mommy?" nanlalaking mata na sabi nito

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanya

"Mommy, you're here!" masayang sabi nito at yumakap sakin

Natawa ako at marahang hinaplos ang buhok niya. My son needs me more than anyone and I will never leave his side again.

"Kumain ka na, anak. Ihahatid kita sa school." nakangiting imporma ko sa kanya

"Really, mommy?" masayang tanong nito sakin

Natatawang tumango ako sa kanya habang pinaghahain ko siya. Pumasok din sa dining sila lola, daddy, mommy at Drianna na mukhang nagulat din nang makita ako.

"Dito ka ba natulog?" tanong ni daddy sakin

"I will live here from now on if it's okay with you." nakangiting sabi ko kay dad at sumulyap kay mommy

"This is also your house so I don't see any reason to kick you out." nakataas ang isang kilay na sabi ni mommy

"So, you left him for good?" tanong naman ni lola kaya napatigil ako sa pagsasandok ng kanin

"Lola..." tawag ko sa pangalan niya at pasimpleng nginuso si Jasper

"Nakauwi na ng Pilipinas ang kuya ni Drianna." imporma niya sakin

Nabitawan ko ang sandok na hawak ko at napatingin kay lola. He's back?

"I told him what really happened and he insisted to go back in the Philippines. Tutulong daw siya sa pag-areglo ng problema namin." paliwanag ni Drianna

Nag-iwas ako ng tingin at tinuloy ko ang paglalagay ng pagkain sa plato ko.

"T-That's good, then." tipid na sabi ko

Nag-umpisa na akong kumain para iwasan ang anumang sasabihin nila pero mukhang ayaw akong patakasin ni lola dahil nagsalita siyang muli.

"I will be really happy kung magkakabalikan kayo. Kilala ko siya at alam kong mabuti siyang lalaki." sabi ulit ni lola na may ngiti sa mga labi niya

Sinulyapan ko si Jasper at nakita ko naman na patuloy lang siya sa pagkain kaya hinarap ko ulit si lola.

"And I will also be really happy if you consider dropping this subject infront of my son." seryosong sabi ko kay lola

Bumuntong-hininga si lola at nagsimula ng kumain. Nagpatuloy na kami sa pagkain at naging tahimik ang hapag-kainan. Naunang natapos si Jasper at nagpaalam na maliligo na siya.

"Why don't you call over your brother for dinner, Drianna?" biglang sabi ni daddy kay Drianna nang makaalis si Jasper

Walang nagawa si Drianna kundi tumango kay daddy at magproprotesta pa sana ako nang magsalita siyang muli.

"Regarding your engagement with Ethan, I think it's a good decision for the both of you to call off the wedding. Nag-usap na rin kami ng Tito Lucas mo kahapon and he had a hunch that his wife will do something again. We're planning to file a case against her. What are your thoughts about this?" seryosong imporma sakin ni dad

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon