Chapter 30

22.9K 645 61
                                    


Napatingin ako sa paligid nang magmulat ako ng mga mata. Kumunot ang noo ko at inalala kung bakit ako narito sa kwarto ko. Napatingin ako sa katawan ko at mas lalo akong nagtaka nang makita kong nakasuot ako ng dress.

Wait. What happened? Piano recital ni Jasper and he was with someone--- It was Citrine!

"Citrine!" malakas na sambit ko

Mabilis akong napabangon at bumaba sa kama ko na. Muntik na akong mabuwal nang mahilo ako kaya naupo muna ako sa kama.

"Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" tanong sakin ni Theus

Sinarado niya ang pinto at tumabi sakin ng upo sa kama ko.

"Theus, si Citrine." nanginginig ang boses na sabi ko sa kanya

Hindi ko napigilan ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Citrine ang batang iyon.

"She's alive, Sapphire. She's here." nakangiting sabi ni Theus sakin

Napahikbi ako at mas lalong naiyak sa tuwa. She's alive. My daughter is alive. Hindi siya patay. Buhay na buhay siya.

"I-I want to see her. I want to hug her. Kilala ba niya ako?" sunod-sunod na sabi ko sa kanya habang umiiyak ako

Hinawakan ako sa balikat ni Theus at pilit akong kinakalma. I want to see my daughter. I want to see that she's really here and she's really alive. Baka mawala siya sa paningin ko at kunin siya ni Leandra. No! I can't let her do that to my daughter again.

"Listen to me, Sapphire. Citrine is alive. Aalamin natin ang lahat pero bago iyan, kailangan mong alalahanin na nandito si Ethan at alam na niya ang tungkol kay Citrine." seryosong sabi nito

Natahimik ako sa sinabi niya pero patuloy pa rin ako sa pagluha.

"Hinintay namin na magising ka dahil desisyon mo pa rin kung gusto mong ipaalam kay Ethan ang totoo. He needs to know, Sapphire." sabi ulit nito na may diin sa bawat salitang binitiwan niya

Bumuka ang bibig ko para magsalita pero walang lumabas kahit isang salita. Para akong napipi. Alam ko na kailangan kong ipaalam kay Ethan ang nangyari pero nahihirapan ako. Alam kong masasaktan siya.

Napayuko ako at pinunasan ang basang pisngi ko.

"Nahihirapan ako, Theus. Masasaktan si Ethan sa malalaman niya." mahinang sabi ko sa kanya

Sobrang masasaktan si Ethan pag nalaman niya pero hindi ko pwedeng itago sa kanya ang totoo. Paano kung hindi niya ako paniwalaan? Paano kung kunin niya sakin ang mga bata? Natatakot ako sa pwedeng maging reaksyon niya.

"Mas lalo kang mahihirapan pag hindi mo sinabi kay Ethan ang totoo. Ayokong manghimasok sa desisyon mo pero kailangan niyang malaman. Nandito na si Citrine at kwekwestiyonin niya ang nangyari. Ayokong malaman niya ang totoo sa ibang tao! Utang na loob naman, Sapphire!" frustrated na sabi ni Theus na napasabunot na sa buhok niya

"Hindi rin madali para sakin ang sitwasyon na kinalalagyan ko, Theus! Natatakot ako sa posibleng gawin niya pag nalaman niya ang totoo. Paano kung hindi niya ako paniwalaan? Natatakot akong sabihin sa kanya ang katotohanang si Leandra ang may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan habang sinasabi ko sa kanya na gustong patayin ng nanay niya ang anak namin. Hindi ko kaya. Natatakot din ako na baka piliin niya ang sarili niyang ina kaysa sa mga anak namin." umiiyak na sabi ko at hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses

Mabilis na nag-angat ako ng tingin nang malakas na bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Tama ba ang narinig ko?"

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon