Chapter 6

27.7K 815 108
                                    

ETHAN

Marahas na binaba ko ang mga papeles na hawak ko nang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Hindi maganda ang gising ko kaninang umaga kaya naiirita ako. Pinindot ko ang intercom at kinausap ang sekretarya ko.

"Henry, I told you that I don't want to be disturb--" napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ko ang boses ng bestfriend kong si Enrique sa kabilang linya

"Why are you so grumpy, my dear bestfriend? Perhaps you woke up in the wrong side of the bed?" nang-aasar na sabi nito

Kumunot ang noo ko dahil hindi naman talaga siya madalas na nagpupunta sa opisina ko pero ngayon linggo, dalawang beses na siyang nagpunta sa opisina ko. Hindi pa ako nakakapagsalita nang bumukas na ang pinto at pumasok ang aroganteng kaibigan ko. Naupo siya sa silya na nasa harapan ng mesa ko.

Sumandal ako sa upuan ko at seryoso siyang tinitigan. Hindi siya magpupunta dito kung wala siyang importanteng sasabihin. Masyado naman atang personal ang sasabihin niya at personal pa siyang nagpunta rito.

"Anong kailangan mo?" diretsong tanong ko sa kanya

"Nothing in particular. I'm just taking a break." kibit balikat na sabi nito sakin kaya mas lalong kumunot ang noo ko at nagtaka kung ano talaga ang pinunta niya dito

"I know that you went here for something, Enrique. Tsaka hindi ka ba hahanapin ng asawa mo? Buntis pa naman iyon baka pag di ka niya nadatnan sa opisina mo ay tuluyan ka na niyang palayasin sa bahay mo." nagtatakang sabi ko rito

He's happily married and I can only say one thing, being married will make you totally insane. Itong magaling kong kaibigan ay ilang ulit ng muntik mapalayas sa sariling bahay dahil sa asawa niyang buntis. And hell yea, pregnant women can do crazy things.

I saw his wife few days ago, pinagtritripan niya yung mga bodyguards niya at pinasayaw ng whoops kiri sa lobby ng company ni Enrique. It was hilarious, though.

"I bet few months from now you will experience those things I've been through with my pregnant wife. So prepare yourself." natatawang sabi nito sakin

I crunched my nose. As if that will ever happen. I'm always cautious with my girls.

"That will never happen." I said while shrugging my shoulders

"So, tell me something I don't know. What happened last night? I saw you last night leaving the crime scene with a woman." nakangising sabi nito

Napangiwi ako sa binanggit niyang 'crime scene'. Mukha na ba akong kriminal ngayon? Speaking of that woman. She left the second crime scene last night and she didn't left any trace except for a note and her mask!

"Something happened, huh?" nakangisi pa ring sabi niya at nangalumbaba sa mesa ko

I groaned frustratedly at him and throw a crumpled paper at him which he dodged easily.

"Tsismoso! Bumalik ka na nga sa teritoryo mo at doon ka maghasik ng lagim. Iniistorbo mo lang ata ako para bumagsak ang kompanya ko, eh." pagtataboy ko sa kanya

Tinawanan lang niya ako at napailing iling siya na parang may kalokohang naiisip. Napaismid ako sa kanya nang tumayo na siya at nagtungo sa pinto. Nilingon niya muna ako at kumaway bago siya lumabas ng opisina ko. Akala ko nakaalis na siya pero ilang sandal pa ay bumukas ulit ang pinto ng opisina ko at sumilip si Enrique na may malaking ngisi sa labi.

"You know who to call when you need someone to talk to because one look from you, I can say that she left you, or perhaps, she dumped you?" nang-aasar na sabi nito na mas ikinainis ko

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon