Chapter 35

22K 706 110
                                    

LADYCODE'S NOTE:

Wala akong pinipilit na magbasa ng story ko. Wala akong pakialam kung may magbasa man o wala. I write a story as a hobby. Gaya ng laging sinasabi ng mga author, WE ARE WRITING STORIES FOR FREE. No one's paying us.

Wattpad is created for people who loves reading and who wants to escape the harsh reality of life. But that person doesn't seem to understand a thing about it because he/she even brought his/her attitude here.

I was even worried about the readers na matiyagang naghihintay sa update ko then bubungad sakin iyon. I am mad, yes, but I am more hurt than mad. It hurts, you know.

Nasaktan,
Ladycode


~ * ~ * ~ * ~ * ~ * ~ * ~

ETHAN

Napamura ako ng malakas at tumakbo ng mabilis papunta sa kotse ko. I connected my phone on my car and called dad. Mabilis naman na sumagot ito sa tawag ko.

"Dad! Mommy got Sapphire! Shit!" malakas na bungad ko habang mabilis na nagmamaneho papunta sa mansion ng mga Cortez

Nasa safe house ang mga bata kasama si Tita Victoria at si Mrs. Contreras. Nanatili naman kami sa mansion kasama ang pinsan ni Sapphire , Lolo niya, daddy niya at syempre si Theus.

"What are you talking about? I was calling you awhile ago pero busy ang phone mo. Nakauwi na si Sapphire but she's not okay. Kailangan nating makabalik sa safe house kasama sila sa lalong madaling panahon. Get your ass here!" mahabang lintanya ni dad bago pinutol ang tawag

Hindi na ako nag-abala pang tawagan sila ulit at mas binilisan pa ang takbo ko. I don't give a damn about the speed limit. I need to see Sapphire. Kailangang makita ng dalawang mata ko na ligtas nga siya. Hindi matanggal sa isip ko ang sinabi ni dad na hindi siya okay.

Basta ko nalang pinarada ang kotse ko at tumakbo papasok ng mansion. Si Sapphire ang unang hinanap ng mata ko at hindi pinagtuunan ng pansin ang ilang bagong mukha na nakita ko. Nakita ko siya sa isang sulok na yakap ang sarili, magulo ang buhok nito at may maliit na gasgas sa noo.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harapan niya. She looks restless and scared. Nanginginig ang kamay ko nang abutin ko ang mukha niya at hinila siya sa bisig ko. Damn. Hindi ko alam ang gagawin ko kung talagang nakuha siya ni mommy.

"Thanks god you're okay." wala sa sariling bulalas ko

Naramdaman ko ang pagganti nito ng yakap at unti-unti kong naramdaman ang pagkabasa ng balikat ko hanggang sa bigla na lang itong humagulgol ng iyak.

"I-I was scared. I-I was so s-scared. G-Get me out of here. Please. G-Get me out of here." nanginginig na sabi nito sa pagitan ng hagulgol niya

"It's alright, sweetheart. I'm here. I will get you out of here." I assured her habang pinapatahan siya

She's close to breaking down and I am sure na may kinalaman si mommy ko sa nangyari sa kanya. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap niya sakin at bigla siyang natahimik.

"Sapphire? Hey, sweetheart.." kinakabahang paggising ko sa kanya nang makita kong nawalan siya ng malay sa bisig ko

"Sapphire, anak?" tawag din sa kanya ni Tito William na nasa tabi na ni Sapphire

"Let me check her." biglang sabi ng babaeng hindi ko kilala

Nag-aalinlangan man ay hinayaan ko siyang i-check si Sapphire. She looks like a doctor at mukhang magkakilala sila ni Theus. The woman checked her pulse and her eyes.

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon