Chapter 2

27.3K 748 14
                                    

Napaungol ako sa inis nang marinig ko ang maingay na cellphone ni Theus. Bwisit talaga ang kumag na iyon. Kinapa ko sa may ilalim ng unan niya ang cellphone niya at walang sabi sabing pinatay ang tawag.

Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang malakas na hilik ni Theus sa tabi ko. Malakas na sinipa ko siya kaya nahulog siya sa sahig at napamura ng malakas.

"Ano ba naman, baby girl?! Sarap ng tulog ko eh!" inis na reklamo nito

"Sabi ko naman kasi sa'yo, dun ka sa couch! Nakikitabi ka pa sakin. Ang lakas mong humilik na hinayupak ka!" sumbat ko sa kanya at hinagisan siya ng unan

Sinalo naman niya yung unan at hinila niya yung kumot sa kama. Hindi siya sumagot at tahimik na dumapa siya doon sa carpeted floor ng kwarto niya. Napailing ako nang marinig ko ulit ang hilik niya. Ang bilis niyang nakatulog.

Bumangon ako mula sa kama at nagtungo sa closet ni Theus. Magpinsan kami ni Theus at normal na samin ang ganito kami. Kumunot ang noo ko nang hindi ko na makita yung mga iniwan kong mga damit dito. Baka mamaya ay pinasuot niya iyon sa mga babae niya, tatamaan talaga siya sakin! Kumuha nalang ako ng malaking t-shirt ni Theus at boxer niya.

Mabilis akong naligo at nagbihis dahil magluluto pa ako ng agahan ng mahal na hari. Nakakahiya naman na nakitulog na nga ako tapos gugutumin ko pa siya. Kasalukuyan akong naggigisa ng sibuyas at kamatis nang may biglang nagdoorbell. Hindi ko naman agad maiwan yung niluluto ko kaya tinakpan ko muna iyon at pinatay ang kalan. Patuloy ang pagdodoorbell ng tao sa labas habang naghuhugas ako ng kamay.

"Sandali! Excited? Excited?!" inis na sigaw ko na malamang ay hindi narinig sa labas

Mabilis na nagtungo ako sa pintuan at pinagbuksan ang makulit na tao sa labas ng condo ni Theus. Kumunot ang noo ko nang bumungad sakin ang isang babae. Simple lang siyang manamit pero napakaganda niya. Parang si Reina ang histura niya, eh. Mukhang hindi makabasag pinggan.

Nakita ko kung paano niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa at napakagat ito sa labi niya at napayuko. Kumunot ang noo ko at akmang tatanungin ko na siya kung sino siya nang biglang sumulpot si Theus.

"Bakit ang ingay ng doorbell kanina, baby girl? Tsaka nagluluto ka ba ng paborito ko? Dito ka na kasi tumira, baby." papungas pungas na sabi nito at parang wala pa sa sarili

Halos masapak ko siya nang makita kong nakasuot lang ito ng boxer shorts. Sesermonan ko sana siya nang biglang nanlaki ang mata niya at napako ang tingin niya sa may pinto kung nasaan ang babae na nagdoorbell. Nang tignan ko ang babae ay parang natuod din ito sa kinatatayuan.

Uh-oh. Naiisip niyo ba ang naiisip ko?

"D-Drianna..." utal na sambit ng pinsan ko na parang tinuklaw ng ahas

Tumulo ang luha ng babae habang nakatingin kay Theus kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mapairap. Gaya din ba ito ng mga nababasa at napapanood ko kung saan biglang tatakbo ang babae?

As if on cue ay biglang tumalikod ang babae at akmang aalis na pero hinila ko siya pabalik kaya gulat siyang napatingin sakin.

"Nah-uh. You stay here and talk to him." nakangising sabi ko sa babae at hinila siya papasok ng condo

Sinarado ko ang pinto at binalingan ang pinsan ko na nakatulala na mukhang tanga. Di ko na natiis at binato ko siya ng suot kong tsinelas.

"Shit! Ano ba, Sapphire?!" inis na sabi nito sakin nang tamaan siya sa ulo

"Galaw galaw din pag may time para hindi ma-stroke. And please, have some decency to put your clothes on. Hindi ka ba nahihiya na nandito ang girlfriend mo tapos ganyan ang itsura mo? My god!" nakukunsuming sabi ko sa kanya

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon