Chapter 24

21.7K 610 65
                                    

SAPPHIRE

Sandali akong napatitig sa mukha niya at agad na napaiwas ng tingin nang makita ko ang lungkot at pagmamakaawa sa mata niya.

"I know that Jasper is not my son and Citrine is not my daughter either, but you know that I love them like my own." mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko

"I'm just worried about Jasper. Paano kung bigla niyang maalala yung nangyari sa kanila ni Citrine?" nag-aalalang sabi ko sa kanya

Siya ang tumayong tatay ng mga bata at ayokong ipagkait sa kanya ang pagkakataon na makasama si Jasper pero nag-aalala lang ako sa kalagayan ni Jasper. Mula ng mawala samin si Citrine, he can't remember Theus at all.

Nagkabalikan kami ni Theus noong magdalawang taon na ang mga anak ko. We have a smooth relationship and we considered getting married but it was all ruined because of Leandra.

Nalaman niya ang tungkol sa mga bata but she never acknowledgement them as her grandchildren. She even called them bastards. That bitch. Nalaman din niya ang tungkol sa assets ni Ethan na makukuha ko dahil sa mga anak ko and she confronted me.

"I'm a psychologist, remember? I can handle him. Gusto ko lang makasama ang inaanak ko bago ako bumalik sa California." malumanay na sabi nito

"You're going back to California?" gulat na tanong ko sa kanya

"Nasa California na ang buhay ko ngayon, Sapphire. Unless, you want to marry me." pagbibiro niya

Alam ko na may kaseryosohan ang pagbibiro niya. Kung hindi lang siguro umeksena noon si Leandra baka mag-asawa na kami ngayon. The chaos between us happened when Leandra found out about Citrine and Jasper's existence.

"Mommy, there's a woman outside. She's looking for you." imporma sakin ni Citrine na lumambitin sa bewang ko

Kumunot ang noo ko at nagkatinginan kami ni Theus. I am not expecting any visitor. Sabay kaming lumabas ni Theus at bumungad samin si Leandra.

Napakapit ako sa braso ni Theus sa takot dahil alam ko na kahit isang sulyap lang sa anak ko, halata na ang pagiging El Greco niya. Hinawakan ni Theus ang kamay ko at pinapasok ang mga bata.

"Tama pala ang hinala ko na isa kang gold digger! Nagpabuntis ka lang sa anak ko para makuha ang pera niya! Ang kapal ng mukha mo! Ibalik mo ang pera ng anak ko!" singhal nito sakin

"I am not a gold digger. Nababagay lang sa kanya iyon dahil isa siyang manloloko." mariing sabi ko sa kanya

Hindi pa nakapangalan sakin ang kalahati ng assets ni Ethan dahil hindi iyon ang habol ko sa kanya. I just did that because I want to get even with him and I think may karapatan naman ang mga anak ko sa pera niya. Theus told me that if I did that wala na rin akong pinagkaiba sa binibintang sakin ng nanay ni Ethan.

"Hindi ka ba nahihiya dito sa lalaki mo? Pagkatapos kang pagsawaan ng anak ko, bigla kang sasama sa ibang lalaki. Nakinabang ba siya sa pera ng anak ko, ha?" nanunuyang sabi nito

"With all due respect and for your information, I am wealthy enough to provide my family's needs. We don't need your money." malamig na sabi ni Theus sa kanya

"Family? Mabuti naman at inako mo ang bastardo ng malanding babaeng 'yan. Kung pwede ilayo mo na rin siya dito dahil baka pag nakawala siya habulin nanaman niya ang anak ko." mapanghusgang sabi nito

"Wag na wag mong tatawaging bastardo ang mga anak ko!" sigaw ko sa kanya

I want to slap her and grab her hair pero hinawakan ako ni Theus sa bewang na parang naiisip niya ang gusto kong gawin.

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon