Chapter 8

25.7K 734 73
                                    

SAPPHIRE

Pilit kong tinutulak si Theus na sumisiksik sakin sa kama. Kanina pa niya ako sinisiksik at sa lawak ng kama niya nagsisiksikan kami sa mismong gitna ng kama. Dito ko na napagpasyahang matulog dahil tinatamad akong umuwi sa bahay ko.

Bakit nga ba kami nauwi ng pinsan ko sa ganitong sitwasyon? Ah, tama. Kasalanan ito lahat ni Theus. Ang bwisit at walang kwentang si Theus.

"Wag mo akong sinisiksik!" inis na sabi ko kay Theus at tinulak siya palayo pero hindi man lang siya natinag

"Wag kang magulo, Sasa! Mahuhulog yung mga unan!" inis din na sabi nito

Marahas akong napabuga ng hangin at napabangon ako sa sobrang inis. Kung isa lang itong normal na gabi ay matatawa talaga ako sa itsura naming magpinsan. Nagsisiksikan kami sa gitna ng kama niya at maraming nakabaligid samin ni unan.

"Kasalanan mo 'to eh!" paninisi ko sa kanya

"Hindi ko kasalanan na gusto mong panoorin ang Train to Busan!" sumbat niya sakin

Ginulo ko nalang ang buhok ko sa sobrang inis. Gusto kong manood kanina ng movie at itong si Theus sinabi daw ng kaibigan niya na maganda yung movie na Train to Busan. Nacurious ako agad dahil Korean movie siya tapos about zombies kaya agad naming pinanood iyon pagkauwi ni Drianna na agad naming pinagsisihang pareho.

Marami kaming pagkakapareho ni Theus at isa na doon ay ang panonood namin ng mga thriller na movies pero pareho din kaming mga duwag. Sino ba namang hindi matatakot doon? That movie is amazing! Pero nakakatakot pala pag tapos na.

"Ikaw ang nag-suggest noon!" sisi ko ulit sa kanya

"Pumayag ka naman!" sisi din niya sakin

"Pabalikin kaya natin si Drianna? Hindi ako makatulog!" suhestiyon ko sa kanya

"Wag ka ngang epal. Iistorbohin mo pa yung girlfriend ko eh." nakaismid na sabi niya sakin

"Kung hindi ka ba naman kasi duwag! Bwisit ka talaga!" sumbat ko sa kanya at pinaghahampas siya ng unan

Naiinis talaga ako sa kaduwagan niya. Wala talaga akong aasahan sa hinayupak na ito!

"Aray! Sandali! Naiihi ako. Samahan mo ako sa banyo. Dali!" sabi nito habang pinipigilan ako sa paghampas sa kanya

"Kadiri ka! Yuck!" nandidiring sabi ko sa kanya

Kita niyo na! Duwag talaga siya!

Napatigil kami sa pag-aaway nang makarinig kami ng kalabog sa kung saan. Ano yun? Zombie?

"Oh shit." sabay na sabi namin at halos mapayakap kami sa isa't isa

Nanlaki ang mata namin ni Theus nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"Zombie!" sabay na sigaw namin at agad kaming nagtalukbong ng kumot

"Theus? Sasa? Bakit ganyan ang ayos ng kama?" tanong ng isang pamilyar na boses

Napabalikwas kami ni Theus at patakbong lumapit kay Drianna. Yumakap ako sa kanya at nakikiyakap din si Theus kaya tinutulak ko siya palayo at sinisipa.

"Ano ba, Sasa?! Girlfriend ko si Drianna kaya wag kang nakikiyakap! Tawagin mo yung pangit mong fiancè at yun ang yakapin mo!" inis na sabi nito

Aba't pinapatulan talaga ako ng isang ito! Sapakin ko kaya siya. Tsaka gwapo kaya si Ethan!

"Buti bumalik ka, Drianna. Mamamatay na ako sa takot tapos yang pinsan ko napakaduwag. I-break mo na kaya?" nakangusong sabi ko kay Drianna na natatawa lang samin ni Theus

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon