Chapter 5
Edz's Pov
Naging maganda ang panimula ng pagkakaibigan namin at naging magkaibigan kaming dalawa. Ngunit may araw na hindi kami magkasundo. Unti-unti na ako nagkagusto kay Emz. Pero isang araw na balitaan ko lang na may dinidate siyang iba. Do'n naging malabo ang aming pagsasama. Hindi ko na siya kinakausap kaya ngayon lagi ko sinasabi hahanapin ko ang dreamboy ko. Nakarinig ako maingay. Napamulat ako bigla.
"Hello! Kanina ka pa namin
ginigising. Ikaw ha!
nagsasalita ka pa riyan mag-isa ." Napatingin ako kay Kc. Pinagsasabi niya."Ang haba ng panaginip mo." Pinagtawanan pa ako ni Kc.
Napaupo ako bigla napahilamos ako sa mukha ko. Panaginip lang pala. Bakit ba hindi siya mawala wala sa buhay ko kahit sa panaginip siya pa rin. Napaharap ako sa kanila nakasimangot habang sila seryoso nakatingin sa'kin."Bakit?" mataray ko sabi sa kanila. Iba kasi ngiti nila sa'kin.
"Iba ka rin ah! Kahit sa panaginip nagsasalita ka." Napatingin ako sa sinabi ni Jessie.
"Anong sabi ko?" Tinawanan lang nila ako. Kakainis naman sila hindi makausap ng maayos.
"Bakit may dapat kami malaman?" Hinirapan ko lang si Kc. Pinagsasabi niya. Bakit nandito sila.
"Kahit sa panaginip inisip mo pa rin ang dreamboy mo."
"Sinabi ko ba 'yon." Tumango lang si Kc sa'kin.
"Napanaginipan ko si Emz," mahina ko sabi sa kanila.
"Si Emz, napanaginipan mo?" Sabay talaga sila sumigaw. Nabingi naman ako sa sigaw nila.
"'Wag mo sabihin inlove ka na ulit sa kan'ya." Napalingo ako sa sinabi ni Jessie. Pinagsasabi niya maiinlove ako sa lalaki na 'yon. Paasa lang alam niya. Iiwan lang niya ako sa ere. Tapos magpapakasaya sa ex niya. Magsama sila hindi ako kawalan.
"Boto pa naman kami sa kan'ya di ba Jeniz?" Nainis na ako sa kanila. Ako ba kaibigan nila parang nakalimutan na nila ginawa sa'kin ng lalaki na 'yon. Tapos sasabihin nila boto sila kay Emz. Saan ang hustisya ako kaibigan nila pero hanggang ngayon umaasa pa rin sila magkakabalikan kami. Hindi nga nagparamdam ang loko. Bakit pa ako lalapit sa kan'ya.
"Ewan ko sa inyo."
"Move on na Edz high school pa tayo no'n tsaka hindi naman kayo ha!"
"Ang sakit mo magsalita Kc."
"Sorry na. Gusto ko lang matauhan ka. Pansinin mo na siya."
"Paasa naman talaga 'yan si Emz, syempre nainlove ang friend natin lagi pa sila magkasama tapos pinakitaan pa ni Emz kabutihan tapos ayon na inlove ang kaibigan natin nang malihim. Tapos mabalitaan na lang ni Edz nakipagdate siya sa iba sa ex pa talaga.
"Sabagay Jessie, pero di ba humingi naman siya ng tawad." Seryoso sabi ni Jeniz sa'kin.
"Move na edz, high school pa tayo no'n. Isipin mo di ba magkaklase tayo! Ibig sabihin may gusto siya sa'yo." Sabay tawa ni Kc sa amin.
"Hindi ko naisip 'yon, ok naman kami ah! Tsaka kailangan ko iwasan siya mukha naman masaya siya girlfriend niya. Ayaw ko ng gulo 'yon lang 'yon. Nakakausap ko naman siya minsan."
"Wala na nga sila eh! Kulit mo rin. Tara na nga bumangon ka na riyan. Pasyal tayo kila Bryan." Pangungulit ni Jeniz sa'kin. Hindi na lang ako nagsalita.
"Namiss ko kaya si Bryan tagal ko hindi nakita," sabi ko sa kanila. Iniba ko na lang usapan.
"Wow, sinabi ko lang pangalan ni Bryan natuwa ka na." Inaasar pa talaga ako ni Kc. Kulit din minsan babae na ito hindi ko alam kung saan siya loyal kay Bryan o kay Emz.
"Baka naman may gusto ka na kay Bryan." Nilingon ko si Jessie. Natawa na lang ako hindi pa kasi maamin crush niya si Bryan minsan hindi ko alam kung kanino siya may gusto sa kapatid ko o kay Bryan.
"Bestfriend ko lang siya. Magkababata kami noh!
Ang kulit niyo.""Sige na magbihis ka na labas lang kami." Sabay tawa ni Kc Umalis na nga sila. Kahit kailan talaga hindi ako basta makapaghinga ng maayos parang mga kabote 'to pasok ng pasok sa kuwarto ko.
Bilisan ko na maligo sigurado buwisit na buwisit na sila sa tagal ko ba naman naligo. Bumaba na nga ako. Nakita ko na sila nagtatawanan. Mukha nagkamali ako nakalimutan nila ako."Hmmn," sabi ko sa kanila. Napalingon silang lahat sa'kin.
"Tara na," yaya ko sa kanila.
"Wala pa nga si Roxanne," sabi Jeniz sa amin.
"Sa mall na lang daw tayo magkita-kita kasama niya si Tin. Kaya ikaw wag ka na magchihika riyan," sabi ni Princess kay Jeniz.
"Oo na ito na po Princess, arte mo."
"Ayaw kasi makita ni Princess Kuya mo," sabi ni Kc.
"Si Princess naman inaasar niyo."
"Kasi naman natulala pag-nakikita kuya mo." Napatingin ako kay Princess tahimik na siya.
"Pikon na si Princess bagay naman kayo. Teka saan pala Kuya mo Edz?"
"Maaga nagpraktis," sabi ko kay Kc.
"Grabe naman varsity-varsity Sila."
"Uy Kc ikaw ata may gusto." Natawa ako sa sinabi ni Princess. Si Kc may gusto sa kuya ko. Suntok sa buwan loyal na loyal siya sa boyfriend niya.
"Hindi ako ganon, pero syempre type ko 'yong kambal. Ang Guwapo kaya Kuya ni Edz. Akala mo artistahin.
"Sino sa kambalang type mo?" sabi ni Jeniz habang nakatawa pa ang loko.
"Si Edzon," sabi ni Kc.
"Suplado 'yon ha! Buti pa si Edzel diba ang bait!" sabi ni Jeniz kay Kc.
"Type lang hindi ko sinabi gusto ko magkaiba 'yon tsaka may boyfriend ako."
"Aray," sabi namin sa sinabi ni Kc.
"Nang ingit pa siya," sabi ni Jeniz sa'amin.
"Taa na nga, pumunta ba kayo para pagtsismisan lang ang mga Kuya ko."
"Tara na, nagtext na si Roxanme nando'n na raw sila." Napasunod na lang kami kay Kc. Kilala namin si Roxanne ayaw na ayaw niya pinaghihintay siya. Paglabas namin lahat kami nagkatinginan. Nakasalubong namin mga Kuya ko. Napatingin kami kay Princess namumula na mukha niya. Crush na crush niya Kuya ko. Nagpaalam na kami. Umalis na kami buti na lang may tricycle napadaan. Sumakay na kami ang ingay-ingay mga kasama ko hanggang sa mall na kami. Napapatingin ako sa kanila para may hinahanap sila. Hindi na lang ako nagtatanong baka saan pa mapunta ang usapan ayoko mainis. Minsan kasi nakakapikon sila kaya hindi na ako nagtataka kung bakit si Princess minsan nagwawalk out sa'min dahil siya ang madalas napapagtripam nila. Napalingon ako ng bigla siya kiligin. Ako naman unti-unti napatingin. Napatingin ako sa papalapit sa'min. Sobra ko siya namiss matagal ko na siya hindi nakikita siya lang taong nakakausap ko matino. Tapos sa manila pa kasi sila nanirahan. Ako lang naiwan nila rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/72141542-288-k503557.jpg)
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series #5-Dreamboy(Emz and Edz
RomanceCopyright @by:c_sweetlady All Right Reserved First Printing 2021 Edited by: Assisted by: Layout by: Disclaimer: This is work of fiction ,Names,characters,businesses,songs,places,event,and incidents are either products of author's imagination or us...