Chapter 17

68 6 0
                                    

                Chapter 17

             
Emz's Pov

Maaga ako pumunta kila Edz, gusto ko makita siya.

"Ang aga mo," salubong niya sa akin sa gate.

"Syempre excited lang ako makita ka."

"Excited talaga."

"Oo naman, ngayon pa na ayos na tayo. Alam mo ang saya-saya ko."

"Bakit naman,"  sabi niya sa akin.

"Kasi ok na tayo," hinirapan niya ako. Napatingin ako sa kan'ya. Mukha may gusto na siya sa akin. Niyakap ko siya, bigla siya nagulat sa ginawa ko. Natawa ako sa itsura ni Edz.

"Sabihin mo na ang gusto mo tanungin sa akin." Napatingin siya hinarap ako.

"Ok may itatanong nga ako sa'yo. Paano mo nalaman iniisip ko?"

"Kilala kita, ano 'yon? Sasagutin ko naman."

"Ok! Tanong ko lang 'yong girlfriend mo. Nagkikita pa ba  kayo?" Natawa ako bigla humarap sa kan'ya.

"Hindi, nagselos  ka talaga sa kan'ya."

"Oo, akala ko kasi ako mahal mo."

"Hindi ha, nakiusap lang siya sa akin at 'yong parent niya na samahan ko siya, kasi yon ang gusto ng parent niya. Kaya pumayag ako. Pasensiya na nakalimutan ko na may naghihintay sa akin tsaka ayaw ko pa na magkita kayo sakitin kasi siya. Kaya gano'n na lang ka protekta ang parent niya. Pumayag ako 'yon kasi ang pakiusap niya na magkita kami. Sa cebu na siya ngayon."

"Lagi pa ba kayo nag-uusap?"

"Hindi na matagal na, simula ng hindi mo ako kausapin. Ako naman magtatanong sa'yo. Si Darren ba nanliligaw ba sa'yo?" tinawanan niya lang ako.

"Bakit ka tumawa."

"Tara baka malate pa tayo atsaka gabi na rin. Tinanong mo na 'yan
Sa akin." Hinila na niya ako palabas .

"Saan ba tayo pupunta?" sabi niya sa'kin.

"Sagutin mo tanong ko?"

"Nagtampo ka naman."

"Kababata ko lang 'yon. Hindi ako type no'n. Ang arte no'n lalaki na 'yon. Ok na ba sagot ko."

"May gusto ka sa kan'ya?" Napakunot noo siya nakatingin sa'kin.

"Anong tanong 'yan. Wala! kaibigan at kalaro ko lang bata pa kami. Kami lang magkalaro eh. Ayaw naman ako kalaro ng mga  kapatid ko kaya do'n siya lagi sa amin. Si princess lang gusto no'n. Kaso no'ng nalaman niya na 'yong Kuya ko type si Princess ayon hindi na niya tinuloy niligawan si Princess. Lagi niya dinadaan sa pang-aasar pag nagkikita kami hanggang ngayon nga."

"Oo bakit nandito tayo?" Tanong niya sa akin.

"Maganda ba," sabi ko sa kan'ya. Tumango lang siya.

"Wala ka ba naalala rito." Tiningnan ko niya lang ako.

"Bakit?" tanong  niya .

"Wala talaga." Pangungulit ko kay Edz.

"Wala eh, ano meron? Wala talaga ako matandaan."

"Sige na nga. Dito tayo una nagkita tinarayan mo pa nga ako no'n. Ganito rin oras na 'yon ang dami tao no'n fiesta sa atin. Naglalaro kayo ng habulan ng friend mo nabangga mo ko no'n tapos ako pa sinisi mo. May tandaan ka na ba?" Napakunot noo si Edz. Bigla na lang siya natawa.

"Naalala ko na. Ikaw 'yon bata."

"Oo ako nga 'yon, simula no'n lagi na ako rito sa park at tinitingnan kita. Inalam ko saan ka nakatira. Nalaman ko na malapit ka lang sa amin at kung saan ka mag-aaral ng high school kaya nong nalaman ko niyaya ko si George, Roxanne, Kevs at Tin ."

Ultimate Barkada Series-Series #5-Dreamboy(Emz and EdzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon