Chapter 8

68 6 2
                                    

Chapter 8

Edz's Pov

"Goodmorning Edz, uy gising na." Rinig ko sigaw ni Princess sa tabi ko. Anong ginagawa nila rito. Gusto ko imulat mga mata ko pero hindi ko magawa, antok na antok pa ako. Hindi ko alam anong oras na. Ang aga naman nila.

"Hoy Edz gising ka na. Andito na kaming lahat." Pinagsasabi ni Princess. Tinatamad ako bumangon.

"Hoy bumangon ka na nga riyan." Ang kulit naman ni Princess nawawala antok ko sa kan'ya. Naghihilahan kami ng kumot. Ang sarap sipain ang loka-loka 'to. Pinagtatawanan pa niya ako.

"Ano ba inaantok pa ako, ang ingay niyo naman eh," sabi ko.

"Uy, ano ba bumangon ka na nga riyan. 'Wag kang paespesyal. Anong oras ka ba natulog bakit antok antok ka pa? Alam mo naman aalis tayo. Bilisan mo na riyan. Kapag hindi ka pa bumangon." Sabay tawa ni Princess. Mukha hindi ko gusto sa utak ni Princess. Nararamdaman ko may gagawin 'tong kalokohan. Pasimple lang si Princess pero sa amin barkada siya hindi nawawalan ng kalokohan. Minsan na nga niya ginawa kay Roxanne, Bryan, Jessie at  Darren. 'Yong bagay na hindi ko makakalimutan dahil sa pinagkaisahan siya namin. Hindi kasi siya sinama namin nanood kami ng movie, si Bryan nagyaya sa'min. Paano kasi hindi man lang siya sumasagot sa bawat text namin. Tinawagan namin hindi kami sinasagot. Kinabukasan ang loka-loka nag-order na pakarami tapos pinadeliver sa room namin na siya nag-order. Pasimple lang siya nakaupo sa upuan. Nag-order lang siya burger sa lahat ng classmate namin kay Roxanne nakapangalan. Tapos ice cream kay Bryan na ka pangalan. Kay Darren naman pizza  at ang huli sa'kin spaghetti naka pangalan. Ang sarap sabunutan ni Princess habang mga kaklase namin pabor na pabor sa kanila. Pinuri pa kami galanti. Tapos ang loka-loka ayon una pa lumamon sa gutom daw siya. Planado niya ang  lahat. Hindi siya sumama sa amin buong araw. Do'n lang nalaman namin ng nagpost siya sa facebook tapos nagmessage ilan mga kaklase namin si Princess ang may pakana ng lahat. Napabangon ako ng maalaala ko kalokohan ni Princess.

"Bakit ba kasi." Yon na lang nasabi ko.

"Aba naman ngayon po tayo pupunta sa paraiso. Gumising ka na riyan." Napatingin lang ako sa kanila.

"Anong oras na ba?" sabi ko na lang.

"4:30 am na po. Pakibilisan mo. Dadating na sila Roxanne. Alam mo na man 'yon ayaw na ayaw pinaghihintay." Mahabang paliwanag ni Princess. Hindi ba 'to nahihirapan sa sarili niya kanina pa daldal ng daldal. Nabibingi na ako. Paulit-ulit lang sinasabi? Wala na ako nagawa napaupo na lang ako hinarap sa kanila. Nakasimangot ako sa kanila.

"Iwanan na lang kaya natin si Edz. Mukha ayaw naman niya sumama. Tingnan niyo itsura ng mukha niya. Ang aga-aga nakabusangot ang mukha." Tinawanan lang ako ni Kc.

"Grabe ka na man Kc baka magalit 'yan si Emz sa'tin. Alam mo naman para kay Edz kaya tayo pupunta ng paraiso tapos libre pa ni Emz. Saan ka pa tapos makakagala tayo oh! Di ba sosyal." Inirapan ko lang si Princess. Sasama mga 'to dahil libre tapos idadamay pa ako. Sabay higa ko ulit nawalan na ako gana sumama. Alam ko naman pagttripan lang nila ako. Wala ako time sa pang-aasar nila tanging gusto ko matulog ulit. Antok pa ako

"Ano ba Edz bangon ka na riyan." Sabay yugyug nila ulit sa'kin.

"Oo na! Alis na kayo, maliligo lang ako." Pagtataboy ko sa kanila.

"Uy, excited siya kunwari pa inaantok nakikinig naman pala. " Pang-asar ni Princess sa'kin. Sinasabi ko na pinagttripan lang nila ako.

"Ewan ko sainyo." Inirapan ko na lang sila.

"Si Tin at si Roxanne?" Tanong ni Kc kinalingon ko.

"Si George kasama nila si Roxanne nagtext nga sa akin paparating na raw sila kaya, ikaw bilisan muna. Do'n lang kami sa sala."

"Labas na tayo," yaya ni Princess kay Kc.

"Gusto mo lang makita si Edzel. Teka Edzel nga ba o si Darren," sabi ni Kc habang nakatawa. Napangiti na lang ako sa sinabi ni Kc habang si Princess nakasimangot nakaharap sa'min. Ganito kaming maggantihan ang ending napipikon. Kapag nakita na namin nakasalubong na ang kilay tumitigil kami sa pang-aasar maliban sa mga lalaki ang lalakas makaalaska.

"Ako naman napansin niyo. Nagyaya lang lumabas." Sabay talikod ni Princess sa'min. Pasimple ako tumawa.

"Lumalove life sila oh kaingit naman." Lahat kami napalingon sa sinabi ni Jeniz. Paano magkakalove life Sa textmate pa tinamaan pero kahit isa hindi man lang sila nagmemeet.

"Jeniz halata naman sa'yo si George."

"Ang dami no'n ka textmate tsaka loko-loko 'yon Kc." Nagkatinginan lang kami ni Kc.

"Mabait naman ah! Pagtatangol ni Kc kay George.

"Oo nga naman Jeniz," sabi ko.

"Ano 'to usapan lovelife."
Napalingon kami. Napangiti ako napaharap kay Darren habang si Princess panay kalabit niya sa'kin. Ganito siya kapag kinikilig ako lagi kinakalabit niya salikuran. Napalingon ako nginitian ko na lang siya. Minsan malabo rin si Princess hindi ko alam kung kanino siya may gusto sa kuya o kay Darren sabagay sa guwapo ba naman ni Darren paano walang magkakagusto sa kan'ya. Kung hindi ko lang siya best siguro nainlove na ako sa kan'ya pero ayaw ko magkasiraan kaming dalawa. Mas gugustuhin ko pa forever best friend kami 'wag lang kami magkahiwalay. Hindi lahat ng best friend nagkakatuluyan darating kasi parang nagkakahiyaan na kayo sa isa't-isa at lalayo ng tuluyan sa oras hindi nagwork ang relasyon pero hindi ko nilalahat meron din naman magbest friend sa simula pero sila nagkakatuluhan. Ako naniniwala ako sa tamang panahon at sa tamang oras. Darating din ang dreamboy ko sa buhay ko. Hindi lang ako sinusuwerte pero naniniwala ako sa destiny para sa'min.

"Ang lalim ah." Napalingon ako kay Darren.

"Diyan ka pala?"
sabi ko sa kan'ya.

"Kanina pa kami nandito. Problema mo? Ang lalim ng iniisip mo nakita mo lang ako." Ano raw? Tinawanan lang ako ni Darren.

"Sige na nga umalis na kayo maliligo na ako. Pagtataboy ko sa kanila. Umalis din Sila. Nakakasawa na sila paulit-ulit na lang nangungulit nila. Ayaw ko sana sumama, hindi pa ako handa harapin siya pero alam ko hindi nila ako titigilan. Magtatanong lang sila sa'kin. 'Yon ang bagay na ayaw ko. Paulit-ulit ako magpapaliwanag sa kanila. Kaya kahit ayaw ko napilitan ako sumama isa pa ayaw ko mag-isa. Mga loko ko kuya sasama sila atsaka para masabi ko na nakamove on na ako. Para tigilan na nila ako.

Ultimate Barkada Series-Series #5-Dreamboy(Emz and EdzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon