Chapter 18
Edz's Pov
"Ano'ng ginagawa niyo rito?" tanong ni Kuya Edzel. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Ano nga bang ginagawa nila rito?
"Tinext kasi kami ni Emz, Kuya Edzel. Pinapunta kami rito, may sasabihin daw sa amin," sabi ni Tin.
"Ano bang meron? Mukhang ang saya-saya niyo ha."
"Ito naman si Kuya Edzel, paulit-ulit!" Natawa kami kay Jeniz. Siya lang talaga ang minsang nakakabara kay Kuya Edzel. Napatingin si Kuya sa akin, nakakunot-noo. Kahit ako, wala akong ideya sa pinaplano ni Emz. Wala naman siyang sinasabi sa akin. Ano’ng sasabihin ko ngayon sa kanila?
"Bakit, sis? Anong meron ba? May dapat ba kaming malaman?" tanong ni Kuya Edzel. Lumapit na rin ang mga kuya ko. 'Yong tingin nila, kakaiba. Nagulat ako nang bigla na lang akong inakbayan ni Emz. Andito na pala siya—hindi ko man lang namalayan dahil sa kaba. Hindi ko magawang tumingin sa kanila.
"May gusto ka raw sabihin. Pinapunta mo pa mga kaibigan mo rito. Gago, anong ginawa mo sa sister ko?" Napatingin ako sa mga kuya ko. Hindi ko gusto ’yong iniisip nila. Habang si Emz, tawa lang nang tawa, nakatingin sa akin. Inirapan ko na lang siya.
"Ano?" tanong ulit ni Kuya Edzel.
"Ganito kasi, Kuya Edzel, Kuya Edzon... sinagot na ako ni Edz." Napatingin ako kay Emz. Hindi ako handa sa sinabi niya. Loko talaga—pinangunahan pa ako! Naghahanap pa ako ng tamang tyempo. Ngayon pa talaga, mukhang mainit ang ulo ni Kuya Edzel. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan.
"Gago, wala man lang pasakalye. Sinabi agad." Nakatingin ako kay Kuya Edzon, habang si Kuya Edzel masama ang tingin kay Emz.
"Gago, kayo na?!" sigaw ni George.
"Ano naman sa'yo, George?" sabi ni Jeniz sa kanya.
"Kakagulat kasi balita nila! Gago, akala ko kung ano na! Nanahimik ako sa pagtulog ko tapos ’yon lang pala good news nila? Tapos taguan lang ng feeling!"
Sabay tawa ni George kay Emz.
"Kasi wala kang love life," biro ko.
"Meron kaya akong love life!" sagot ni George.
"Sino naman ’yong textmate mo?" singit ni KC.
"Tama na nga ’yan. Buti pa, kainin na natin ’to—dala nila," sabat ni Darren. Ngayon ko lang napansin, may dala nga silang pizza at ice cream.
"Tamang-tama, celebration na natin ’to! Malapit na pasukan. Mamimiss ko kayo. Malapit na tayo bumalik sa Manila, ’di ba, Princess?" sabi ni Darren.
Napatingin ako sa kanila. Ngayon pa lang, nakaramdam na ako ng lungkot. Sila ang dahilan kung bakit masaya ako, pero aalis na rin sila. Matagal bago ko sila ulit makakasama.
"Kasi naman, hindi niyo ako mahal," biro ko. Tinawanan lang ako ni Darren.
"Gano’n talaga ang life, Edz. Wala tayong magagawa ni Princess. Alam niyo naman ang dahilan, ’di ba? Kita-kits na lang tayo. Isang taon na lang, ga-graduate na tayo."
Napatingin sa amin mga kuya ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sila nakakausap tungkol sa plano namin ni Darren.
"Buti pa kayo, kasama barkada. Kami ni Princess, magkahiwalay." Nagulat ako sa sinabi ni Darren. Ibig sabihin, hindi sila magkasama sa iisang campus?
"Hindi kayo magkasama sa isang campus?" tanong ko.
"Hindi, ang arte kasi ni Darren, tsaka malayo na kami sa kanila." Tumango na lang ako. Ibig sabihin, bihira rin silang magkakasama.
"Hindi ko alam ’yon ah. Akala ko magkasama kayo," sabi ni Roxanne na halatang nagulat din.
"’Yan kasi, hindi man lang kami kinukumusta ni Princess. Ganyan kayo eh," pasaring ni Darren.
"Grabe kayo! Busy lang talaga kami. Ang hirap kasi, laging math ang tutok. Wala na nga kaming time sa sarili namin," sagot ko.
“Basta dapat lagi kayong tatawag sa amin, ha.” Tumango na lang kami kay Princess. Tinalikuran ko na sila—ang gulo nila kausap, kahit ano puwede maging topic.
“Tingnan niyo ’yong dalawa, ang sweet-sweet!” Narinig ko si Tin. Nagtawanan lang kami. Napalapit sila sa amin, tapos ayon—lumamon na ng pizza, siyempre pinangunahan ni George.
“Saan na kayo, Kuya Edzel?” tanong ni Roxanne. Nakatayo na kasi ang mga kuya ko.
“Magpapahinga na. May work pa ako bukas, maaga meeting namin,” sagot ni Kuya Edzel.
“Magpapaalam na rin kami ni Tin. Gabi na rin kasi,” paalam ni Roxanne sa amin.
“Gago, istorbo ’tong gago. Ang sarap ng tulog ko, nagising pa ako sa tawag niya,” reklamo ni George kay Emz.
“Gago ka rin, George. Wala ka pa ring pagbabago,” sabay apir pa sila ni Jhun. Mukha namang trip-trip lang nila si Emz.
“Iniinggit lang kita, gago ka,” sabay tawa ni Emz.
“Tara na nga,” hila ni Roxanne kay Jhun.
“Gago, ako rin—aalis na.” Paalam ni George, tapos hinila rin niya si Jeniz. Para-paraan din ’tong si George—halatang may gusto sila sa isa’t isa.
“Ako rin,” paalam ni Princess. Isa-isa na silang umalis.
“Aalis na kayo? Umalis na nga sila tapos hindi niyo man lang kami sasamahan ni Emz,” tampo ko.
“Hindi naman sa gano’n. Alam mo naman, ang Kuya ko—super higpit,” sagot ni Princess.
Napatingin ako kay Darren, na pinagtawanan lang siya. Kilala talaga namin ang Kuya niya—sobrang higpit pagdating kay Princess. Kaya kahit ayaw umalis ni Princess, kapag nagsalita na ang Kuya niya, wala na siyang magagawa. Gano’n kahigpit ang Kuya niya.
Nakakaalis lang si Princess kapag kami ni Darren ang kasama. Isa sa amin ang magpapaalam para sa kanya. Hanggang ngayon, kahit malaki na si Princess, super protective pa rin ang mga Kuya niya. Ayaw nila siyang masaktan ulit sa pag-ibig. Ewan ko ba kung bakit nagkaganon ang Kuya ni Princess. Bukod sa mabait, mapagmahal pa si Kuya Carl. Kaya gano’n siya kahigpit.
“Oh siya, aalis na kami ni Princess.”
Umalis na nga sila. Kasama rin si KC at Doland. Kami na lang ni Emz ang natira.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kanya.
“Pinapauwi mo na ba ako?”
Nakasimangot si Emz.
“Hindi naman sa gano’n, gabi na rin kasi.”
“Gusto pa kitang makita. Ngayon pa lang ako bumabawi sa’yo. Miss na miss na kita, sobra. Iba ka kasi magselos,” sabi niya.
Inirapan ko lang siya. Paano ako hindi magseselos, eh si George pa nagsabi na girlfriend daw niya si Emz.
“I love you, love ko,” sabay yakap sa akin ni Emz.
“Kanina ka pa hirit nang hirit, ha.”
“Totoo naman ’yon! Tapos ang ganda mo pa ng love ko. Sana forever na tayo.”
“’Wag ka lang gagawa ng ikagagalit ko,” sabi ko sa kanya.
“Opo, boss! Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay—wala nang iba.”
“Talaga lang, ha?”
“In love kaya ako sa’yo! Sinusumpa ko sa araw na ’to, Edz—ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay.”
“Ako rin. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko—my ultimate dreamboy sa buong buhay ko. Forever and ever.”
- END -
ABANGAN:
Ultimate Barkada Series
Series #6: Textmate (George and Jeniz)
"Pasensya na po..."
"Pangit ng story ko."
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series #5-Dreamboy(Emz and Edz
RomanceUltimate Barkada Series
