SAFHAIRE'S POV
Andito ako sa mall ngayon. Haha.
Oo. Di ako pumasok. Ang bait ko noh? Eh kasi naman hindi ako mapakali kung anong ireregalo ko kay Bester ngayon.
Actually, parang first time ko umabsent sa buong 4th year high school ko. Baka mamaya may surprise quiz yung terror teacher namin.
Pero naisip ko, good thing nadin na hindi ako pumasok kasi iwas nadin kay Jonah. Takot ko lang na makita ko pa yun matapos ng nangyari kahapon. Gustong gusto ko talagang mag sorry sa kanya kaso lang, inuunahan ako ng kaba.
Kaso lang di ako makakaiwas sa kanya mamayang gabi. Siguradong andun yun. Pero baka hindi din sya pumunta.
Pumasok na ako sa isang toy store. Mahilig kasi sa pink si Bester. Stuff toy nalang kaya iregalo ko? Yung color pink na malaki na naka display dun sa harap ng tindahan? Phew! Ang mahal naman kasi. Wala pa naman akong trabaho para magregalo ng mga mamahalin.
4000 lang ang budget ko. Pinag ipunan ko pa ito simula nung pasukan. Pero syempre meron naman akong ipon para sa sarili ko. Malapit na kasi ang Graduation. 1 month away nalang. So gusto kong may mairegalo naman ako sa sarili ko.
Naglakad lakad ako sa mga tinda-tindahan sa mall.
Napadaan ako sa isang cake and pastry store.
Pumasok ako sa loob.
Wow! Alam ko na ireregalo ko kay Bester!
Magpapagawa nalang ako ng maliit na cake na para talaga sa kanya kasi for sure meron na syang malaking malaking cake mamaya. Oh? Nasabi ko ba sa inyong debut nya? Guess not. So ayun! Debut nya.
Sikat si Ate kaya siguradong crowded ang buong bahay mamaya. Sisiguraduhin kong nakakandado lahat ng daan papasok at palabas ng kwarto ko. Baka maglagay pa ako ng alarm. Haha.
"Miss, pwede po bang magpasadya ng design ng cake dito?" tanong ko dun sa babae na staff nitong store.
"Pwede po." she smiled at me. Then kumuha sya ng notebook at ballpen. "Anong design po?"
"Maliit lang po sya. Uhm. Mga kasinlaki lang ng isang normal plate. Tapos girly yung design. Kayo na po bahala sa mga ilalagay. Color pink and white lang. Uhm. Pakilagyan ng name sa ibabaw." then they had me write down the name and message na ilalagay sa cake. "Uhmm. Mga ilang oras ko po hihintayin?"
"Uhmm.. Mga 3-4 hours po. Madami pa po kasing waiting din. Ok lang po ba?"
"Sure. Balikan ko nalang." binayaran ko na yung cake at lumabas ng store nayon.
Now where am I going to go? Ano na gagawin ko?
"Hey. You brat! Bakit ka nandito?" yung boses nayon. Bakit sa andito sya?
*lingon*
"B-Black?!"
"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka sakin? Bakit hindi ka pumasok?"
"Pakialam mo ba? Tatay ba kita?! Ikaw?! Bakit ka ba nandito?!"
"Uwian na namin! Wala na kaming klase. Ikaw? Mamimili ka lang ng mall na pagbubulakbulan, yung katabi pa ng school."
"Hoy! Anong bulakbol?! Nakita mong suot ko ID ko? Epal 'to! Ewan ko nga sayo!" tumalikod na ako. "Hindi ako pumasok."
"Teka. Wala akong kasama. Sama nalang ako sayo."
BINABASA MO ANG
Beyond My Wildest Fantasies (BMWF)
RomanceSafhaire Amethyst Reichs is just a normal teenager with extra ordinary dreams. Upon her popular life, she met Zachary Johannes Villaruiz whose unexpectedly became part of her daily life. He finds out the deepest and not-to-dark secret of her. And he...