JONAH'S POV
Psshh. Ang ingay-ingay naman dito.
Pumunta ako sa loob ng bahay. Umupo ako sa sofa.
Nagtataka ba kayo kung bakit pa ako nandito sa kabila ng nangyari kagabi? Eh kasi itong si Charlotte nag-inarte nanaman sa cellphone kanina.
Ewan ko ba at parang hindi tumatalab ang kasungitan ko sa kanya.
Umupo sa tabi ko si Jeffrey yata yun? Yung isa sa kuya nila Reichs?
"Oh Zach."
"Jeff." nginitian ko sya.
"Drink?" he smiled mischevously.
"Sure."
"Ano gusto nyo?" biglang sumulpot si Prince galing sa kusina. "Vodka or wine?"
"Anything. " sabay naming sagot ni Jeff.
Bigla namang dumaan si Reichs. Naka dress sya. Simple lang pero may dating. Kaso lang nakatsinelas sya.
Eh?
Napatingin sya bigla sa paa nya at tumigil sa paglalakad. Bumalik sya sa kung saan man sya nanggaling.
Tumayo ako.
"Asan yung Cr?" tanong ko.
Nagkatinginan naman si Jeff at Prince.
"Uhm.. Pag akayat mo sa hagdan, yung first door sa left. CR yun." nakangiting sabi ni Jeff.
Umakyat na ako. Nakita ko yung sinasabi nilang CR.
Nakabukas ng konti yung pinto so I think walang tao. Kaya naman dumere-deretso ako.
O_____________O --- sya
"F*ck!" she cussed.
Dali-dali nyang sinara yung pinto sa likod ko.
"What the f*ck are you doing in here?!?" halatang galit na galit sya.
Bakit? Bakit ganun nalang ang reaksyon nya.
Pero.
Teka?
Napatingin ako sa paligid.
"Ano?! Tatawanan mo ako!? Ha?! " she shouted.
Di ako nagsalita. Nagsimula akong maglakad. Nilibot ko yung kwarto nya.
"Jonah!" tinatakpan nya yung mga tinitignan ko.
Lahat yata ng inis at galit ko kagabi sa babaeng ito. Nawala. Kung makikita nyo lang talaga ang kanyang kwarto.
"Jonah!" mukhang depress na depress na agad sya. Dapat lang noh? May makakita ba naman ng kwarto mong ganito e. Mahihiya ka talaga.
"Sus. I know you wanted me to see your room. Kase kung hindi, edi sana pinalabas mo ako at saka mo sinara yung ---" nilingon ko yung pinto. "Gate mong mala---" tinakpan nya nanaman bibig ko.
"Isa pang banggit mo tungkol sa kwarto ko! I'll crave your skin out alive! Isa pa Jonah! Masyado akong matalino kasi sinara ko yung pinto kahit nasa loob ka. Kasi I dont know kung anong mangyayaring gossip sa mga susunod na araw sa mga nakita mo ngayon. I hate you!"

BINABASA MO ANG
Beyond My Wildest Fantasies (BMWF)
RomanceSafhaire Amethyst Reichs is just a normal teenager with extra ordinary dreams. Upon her popular life, she met Zachary Johannes Villaruiz whose unexpectedly became part of her daily life. He finds out the deepest and not-to-dark secret of her. And he...