Fantasy 17

761 7 0
                                    

JONAH'S POV




Hmm. Asan kaya si Reichs?



Papunta ako ngayon sa classroom nya.



"Hi, Zach!" bati sakin ng mga babae pero di ko sila pinapansin.



"Zach!" may kumalabit sakin. Kaya naman tumigil ako.



Nakayuko lang yung babae, mukhang namumula sya. Then may inabot sya sa aking papel. Kinuha ko naman yun. Minsan lang naman e. Try ko din pag bigyan yung iba.



Pagkabigay nya sakin nun tumalikod na sya at tumakbo.



At..



"WAAHH!"



Nagsigawan na ang mga babae. Dinumog na nila ako.



"Tanggapin mo din yung sulat ko, Mysterious Prince!"



"Zach! Yung akin din!"



"Pirmahan mo yung bag ko!"



"Hawakan mo lang kamay ko promise sapat na yun! Di na ako maliligo!"



Yan ang hirap pag may pinansin akong isang babae. Lahat na ng nasa paligid, rumeresbak na.



Pagdating ko sa classroom nya. (Take Note: Nakabuntot padin sakin yung mga babae. Mas dumami pa sila)



"Z-Zach?" sabi nung sang classmate nya. Lagi kong nakikitang kasama nya yun e.



"Where's Reichs?" tanong ko.


"Nasa clinic. " nakangiting sabi ni laging-kasama-ni-reichs.



"Diba kaibigan ka nya? Anong pangalan mo?"



"Oo. Mhayumi pangalan ko."



"Ok. Thanks."

Beyond My Wildest Fantasies (BMWF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon