JONAH'S POV
Naglalakad kami ngayon papunta sa sakayan ng tricycle.
Hinubad ko yung jacket ko at binigay ko sa kanya. Tinanggap nya naman yun ng walang reklamo.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko kay Reichs habang yakap-yakap nya yung sarili nya.
"Nakikitira ako kay lola. It's my turn to take a vacation here para may kasama si lola."
"So yung lola mo yung may-ari nung paupahan nayon?" tumango naman sya.
Pagtapos nun, wala nang umimik sa aming dalawa. Gusto ko syang kausapin pero occupied yung isip ko sa mga sinabi nya sakin kanina.
Nasasaktan din ako, Reichs. Hindi lang ikaw ang umiiyak.
Bakit ba nagpaapekto ako sa sinabi ng Ate nya? Andun naman yung mga Kuya nya. I'm an idiot. Pero kinakain padin ako ng sinabi ni Charlotte. I will blame myself if they fall apart.
Pero siguro tama sya dun sa part na nagrereach out sakin yung mga kaibigan ko. I should've given them more credit.
Tsaka hindi naman sa pinapaselos ko si Reichs, it's just that I want to start opening up to other people. Hindi ko lang talaga alam pano ako magsisimula.
After several minutes, nakarating na kami sa sakayan.
Pagdating namin sa paupahan, andun sila sa kwarto ni So nagtipon-tipon.
"Thanks for leaving us." I murmured.
"Sorry naman. Akala namin nakasakay nadin kayo. Bakit ba wala kayo? Hindi ba kayo natakot?" tanong ni So.
"Bakit naman ako matatakot sa sarili ko?"
"Whaaaa! You mean--" I nodded. "Walang hiya ka!" sigaw ni So.
BINABASA MO ANG
Beyond My Wildest Fantasies (BMWF)
RomanceSafhaire Amethyst Reichs is just a normal teenager with extra ordinary dreams. Upon her popular life, she met Zachary Johannes Villaruiz whose unexpectedly became part of her daily life. He finds out the deepest and not-to-dark secret of her. And he...