Fantasy 9

696 13 4
                                    

JONAH'S POV




BOYFRIEND?!

Ako?!

Nakita kong nanlaki ang mata ni Reichs. Di nya siguro inakala na kami ng kapatid nya. Pero hindi naman talaga. Nahihibang na si Charlotte. 

Napangiti naman ang dalawang kuya ni Charlotte. Mukhang natutuwa sa balitang hindi naman totoo. Nahihiya naman akong magsalita kasi mukhang sobrang saya ng mga kuya nya at baka kung ano pang drama ang fawin ng babaeng ito at baka ako pa ang lumabas na masama. Mamaya masuntok pa ako. Sayang ang mukhang pinagpaguran ng mga magulang ko. May pasa at sugat na nga yung braso ko dahil sa Wharton nayon. Tch. Di marunong sumuntok. 

"Charlotte. Ayos itong boyfriend mo ah. Kaso mukhang kamag anak natin. Gandang lahi. "mapanglokong sabi nung mukhang panganay. 

Lumapit sakin yung dalawang kuya nya at ngtanong ng kung anu-ano.

Si Reichs naman, nakatingin lang sakin at nakataas yung isang kilay habang naka crossarms. 

Itong babaeng to. Ang sarap sapakin. Parehas sila ng kapatid nya. 

SAFHAIRE'S POV

Umakyat nako sa kwarto ko at humiga sa kama. Di ko alam kung bakit nalang akong biglang nagkaganito. Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

Feeling ko nakalunok ako ng bato. 

Tch! Asar naman kasi. Parang kahapon lang nung nagpapalakad si Bester sa kanya tapos ngayon boyfriend na agad? Yung lalaking yun, sabi ko na nga ba may tinatagong baho yun sa katawan nya. 

Tumingala ako sa kisame ng kwarto ko.

Ay! Alam ko na! Sinasabi ko na nga ba, yun lang yun eh! Di ko inaakalang ganun pala si Jonah. Bukod pala sa prangka at antipatiko, talagang leon yung lalaking yun. Lalapain yung mga taong nasa harap nya. 

Bigla akong nakaramdam ng konting inis sa kanya. Na parang ayoko na syang makita dahil nag-iba na ang tingin ko sa kanya ngayon. Ayoko na syang makita. Kinamumuhian ko na talaga sya. 

Pinikit ko na ang mga mata ko at natulog.

*kinabukasan*

Di ako pumasok sa PE namin ngayon. Pati tuloy studies ko napapabayaan ko ng dahil lang sa FRANK-enstein nayon! Pati friendship ko kay Ty parang ayaw ko nading ituloy kasi hindi ko alam kung anong ikikilos ko pag kaharap ko sya. Baka mamaya magalit pa yun pag nalaman nya sa iba at hindi sa akin mismo na si Bester at si Jonah na. At di ko naman alam kung pano ko sasabihin kasi baka kung anong mangyari. Kaya mas magandang umiwas nalang ako para may excuse ako kung bakit hindi ko nasasabi sa kanya. Di nya naman siguro iisipin na iniiwasan ko sya dahil dun. Tsaka as a matter of fact, ilalakad ko sya kay ate kapalit ng pagtuturo nya sakin ng basketball eh hindi nya naman nagagawa. 

Haayst! Kanina pa ako kating-kati pumunta sa Library kaso lang for sure andun si Jonah. Nasira na yung normal kong buhay. 

Kainis naman! Pati Library iniiwasan ko nadin. Parang mamamatay na yata ako!

"Hoy! Nakatunganga ka nanaman dyan!"

Ayyy ! Ano ba yan!? Bastos!

"Araaaay! Tama bang sigawan ako sa tainga?!"

"Nakanganga ka nanaman kasi dyan! Next week na yung game tapos wala ka pading natututunan. Ewan ko ba kung bakit ka pinili ng teacher nyo. "

Nagsisisi talaga akong nagpaturo ako ngayong mag basketball sa mokong na Blackna ito! Kanina nya pa ako sinisigawan! Binging-bingi na akooo! 

Beyond My Wildest Fantasies (BMWF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon