Fantasy 14

553 6 0
                                    

JONAH'S POV



Psh. Di talaga ako mapakali! Kanina pa ah? Di ko na maintindihan yung nangyayari sa akin. Bakit ba ako nagkakaganito? Parang hindi ko na kilala ang sarili ko.




Hmph! Masasanay din ako. O matatanggal ko din ito?



"Snow." siguro nga kailangan ko nang sabihin sa kanya.


"Uhh." nag aalangang sabi nya."Ano yun?"


"It's just. May sasabihin sana ako sayo. " seryoso akong nakatingin sa kanya.


*tok. tok. tok* 



"Mr!" biglang may kumatok sa bintana. 


Napalingon naman ako sa babaeng kumakatok. 



"Excuse me." huh? I can barely hear her through the mirror pero naiintindihan ko padin sya. 



"Buksan mo." utos sakin ni Reichs. 



"Bat ko bubuksan?" I asked Reichs. Ayoko nga. "Binondo to, madaming manloloko dito."


"Sa inyo po yata yung naiwang cellphone doon sa foodcourt." lumingon ako dun sa babae. Mukhang maayos naman yung babae, maputi at malinis naman tignan. "Nandun sa guard sa foodcourt, nakita ko kasi na nahulog nya yun e, kaso masyado akong malayo at madaming tao kaya di ko kaagad nasabi." 


"Huh?" kumapa kapa naman si Reichs sa bulsa nya. "Sht. Wala dito phone ko, Jonah. Buksan mo yung pinto please!" she pleaded. Binuksan ko naman yung pinto. 


"Ate, samahan moko!" nagmamadali syang bumaba at lumapit dun sa babae. 


"Reichs, wait! Sasama ako." bumaba din ako ng sasakyan. 



"Dito ka nalang. Saglit lang ako. Bantayan mo lang yung sasakyan mo." ngumiti si Reichs.



"Tara na, Miss." something tells me na hindi mapagkakatiwalaan yung babaeng yun. 


Nagsimula na silang lumakad palayo. 


"Hey, Reichs!" tawag ko sa kanya. 


Aba! Di ako pinapansin!


I secured my car's safety then locked it. Sinubukan kong sundan yung dalawa kaso sobrang daming tao, hindi ko na sila nakita.

Beyond My Wildest Fantasies (BMWF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon