Fantasy 23

460 7 2
                                    

SAFHAIRE'S POV



B-Bakit? Hindi sya galit?




"Bakit nakatanga ka dyan, Reichs? Tara na. Marami pa tayong dapat gawin."





Hinila nya ako pabalik ng auditorium. Nang makita kami ni Mhayumi na magkasama at parang walang problema, mukha syang nagtataka. Actually, parehas kami.




Tumulong na kami sa pag aayos ng mga props. Gustong gusto kong kausapin si Jonah, kaso lang parehas kaming madaming ginagawa kaya hindi ko sya mahila.





*2 pm*





Nagsisimula na ang pinakahihintay na program ng foundation day.




Nakabihis na ako. Simple lang naman ang damit ko. Hindi naman ito fairy tale para mag gown ng bongga.





"Hey." may umakbay sa akin si Black. Agad ko namang tinabig yung kamay nya.




Ang gwapo nya sa suot nya. Naka suit sya tapos may bagde ng police department as superintendent. Nakasalamin din sya tapos inayos ang buhok nya. Pinatanda ang mukha nya ng konti para kapani-paniwala na tatay ko sya.





"Hohoho! Buti nalang hindi ako lead role.. Kundi sobrang simpleng damit lang ang suot ko!" pagpaparinig ni Sofhie sa akin. "Buti nalang ako ang mayaman at magandang nanay ni Kaitou Kid." tamang-tama sayo. Mukha kang nanay.




"Hayaan mo na sya." sabi ni Black.




"Nasaan na kaya si Jonah?" I murmured to myself. Baka naisip nyang wag nalang sumipot para pahiyain kami.




Hindi naman magagawa ni Jonah yun. Hindi ganun kakitid ang utak nya.

Beyond My Wildest Fantasies (BMWF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon