Fantasy 19

585 7 0
                                    

JONAH'S POV



Although sabi nya wag ko na daw sya ihatid. Sinundan ko padin sya hanggang makarating sya ng ligtas sa kanila.


Makulit na kung makulit. Pero nag aalala lang naman ako.


Tsaka kinikilig naman kayo kaya okay lang. Aminin.


Pabalik na ako ng bahay.



Lalo ko tuloy sya nagustuhan. Yung alam ko na nagsisinungaling sya na hindi daw sya nag aalala sa akin. Eh pwede namang bukas diba?


Tsaka nararamdaman ko ang tiwala nya na sa akin. Di sya nag-isip ng kung anu-ano nung niyaya ko sya sa kwarto ko.


Tsaka kahit sinusungitan nya ako, alam kong deep inside may lugar ako sa puso nya.


At kahit sinusundan ko sya kahit saan. Hindi nya pading magawang sigawan ako ng masasakit na salita para lang umalis ako. Maybe she really want me.



Napangiti ako.


Ang lakas ng tama ko sa babaeng 'to.





SAFHAIRE'S POV




"Well?" naghihintay si Ate ng sagot ko.



"A-Ano kase.. " wah?! Walang magliligtas sa akin ngayon. Anong sasabihin ko?!


"Inutusan ko sya, Char. Lalabas din daw kasi sya para bumili sa mall kaya nagpabili nadin ako. Wag kana magalit. Ako may kasalanan." Kuya Jeff!! My saviour!



"Hmph! Bakit hindi nyo manlang ako sinabihan.? Kanina pa ako nag aalala. Sa susunod wag nyo na sya utusan pag gabi na. " galit na sabi ni Ate. "You!" tumingin sya sa akin."Go to bed. Now." then tumalikod sya saka pumasok sa kwarto nya.


"S-Salamat, Kuya. S-Sorry din." sabi ko habang nilolock yung front door.




"It's okay. Kamusta?"



"As usual! Nakakairita padin sya. Walang kwentang parasite."



"Talaga lang huh? Indenial ka talaga." natatawang sabi ni Kuya.



"Hmph! Sana hindi na gumaling ang likod nya." Sorry po, Lord. Joke lang po yun. Wag naman po sana.




"Hey. Dont be too harsh on him. Ang swer----"



"Matutulog na ako, Kuya. Thank you ulit! Good Night!" then tumakbo na ako papasok ng kwarto ko.





Hinubad ko yung coat ko saka humiga sa kama.




Sana gumaling na ang injury ni Jonah agad.

At sana. Matutunan ko na ding kalimutan na naging parte pa si Black ng buhay ko. Kinalimutan nya na ako kaya oras na para kakimutan ko nadin sya.




I closed my eyes and drifted off to a deeo sleep.



*kinabukasan*




"Get out of there!" sigaw ni Ate mula sa labas ng kwarto ko. "Maaga tayo pupunta ng school. Ipapractice ko yang acting skills mo! Now get your butt outta there!"



Sino ba naman hindi babangon kung may dragon na binubugahan ng apoy ang pinto mo diba?



Tamad na bumangon ako at tinignan ang orasan.




4:30?!


You gotta be kidding me?!


Kaya pala parang ayaw pang gumising ng diwa ko.



Beyond My Wildest Fantasies (BMWF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon