Fantasy 15

573 7 0
                                    

CHARLIE'S POV



Hindi ako pumasok ngayon sa school.. Tumambay lang ako sa mall ngayon kasama ang mga tropa ko sa ibang school.



"Bro, wala ka pang pinapakilalang gf mo samin ah? What's the matter? Hindi na ba uso ang kagwapuhan mo?" tanong sa akin ng ulol kong kaibigan na si Gab.



"Syempre hindi noh! Hindi yata nalalaos itong kagwapuhan ko. Sadyang wala lang ako matipuhan." sabi ko sa kanila saka tumayo ako.



Nakatambay kasi kami ngayon sa Starbucks.



"Sasaglit lang ako sa public library dyan sa kabila. May bibilhin lang ako." umalis na ako bago pa sila magtanong ng kung ano-ano.


Pagpasok ko sa public library hinanap ko agad yung librong bibilhin ko. Para naman hindi ako mabored sa bahay mamaya.



"Black!" may tumawag sa akin.



Paglingon ko...



Si Snug----- Safhaire. Anong ginagawa nya dito? May klase pa ah?



Iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya at lumayo sa pwesto nya.



Bakit hindi ko sya pinansin? Kasi sinabi ko na yun diba? Sabi ko last week, pagtapos ng linggo nayon, tatapusin ko na koneksyon namin ni Safhaire kasi ayoko syang masaktan dahil sakin. Bakit? Kasi may asawa na ako. Ayokong mafall sya sakin.



Pero syempre joke lang yun. May ka-Arrange Marriage na kasi ako. Kelangan ko pa bang iexplain yan sa inyo? No. Tinatamad ako e, alam nyo naman.



Hindi ko gusto si Safhaire pero hindi ko maipagkakaila na nahuhulog nako sa kanya. Ayokong mahulog sa taong may mahal na iba. Oo, alam kong mahal nya si Zachary. Makahulugan yung mga pagtingin nya sa lalaking yun. Masasaktan lang ako. 



Mas mabuti na yung ganito.



SAFHAIRE'S POV



*sob* *sob* *sob*


Huh? May umiiyak?


Ay. Ako nga pala yun.



Umuwi nalang ako. Wala akong pakialam. 

Beyond My Wildest Fantasies (BMWF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon