Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nina Paul nung lumabas sila.
Basta nirerespeto ko na lang kung ano mang napag-usapan nila.
Hindi rin naman nagtagal sa opsital sina Ate Karina kasi may trabaho sila, dumalaw lang talaga.
Si Shiela, mahahalata mong awkward sila ni Paul, syempre naman, dun sa nangyare.
Maya-maya pa ay dumating na ang doctor.
D: "Ayon sa test result mo.. Wala ka namang dapat ikabahala.. Bibigyan ka lang namin ng reseta ng gamot para inumin mo ng isang buwan para maging healthy pa yung heart mo.. Natural lang naman minsan na manikip ang dibdib.. especially if may phobia ka.."
P: "Oh that's good doc. Thank you!"
D: "Pwede na silang makauwi bukas, pati na rin si Mrs. Salvino."
TV: "Thank you Doc!"
Nag-unat ako at sabay dampot ng maraming pagkain.
"Yesss! Walang bawal!! Kagabi pa kong naiinam dito sa lechon na to!"
P: "Dahan-dahan, baka ma-highblood ka naman nyan."
TT: "Hayaan mo na lang sya iho, kumain ka na lang din :)"
P: "Busog pa naman po ako"
TV: "Ikaw iha? Bakit di ka kumakain? Iabot mo nga dyan yung spaghetti kay Shiela anak."
S: "Nako sige po, salamat po Tita pero busog pa po ako."
TV: "Sige, basta wag ka mahihiya ha"
S: "Opo. Marami pong salamat"
Nang matapos akong kumain.
Si Paul pa yung nagligpit ng pinagkainan ko at gusto nya pang hugasan.
"Paul, hayaan mo na lang dyan, iuusap ko na lang kay Aling Luz kapag dumating sya."
P: "Hindi ayos lang ako Jam, kaya ko to, gusto ko din matuto kahit papaano."
"Nako sayang naman yung makinis at malambot mo na kamay."
P: "Hindi naman agad agad magkaka-kalyo Jam, basta chill ka lang jan" sabay ngiti.
Tumayo si Shiela at lumapit "Ako na lang"
Napalingon si Paul sa kanya.
P: "Nako ayos lang, kayang kaya ko to."
Hinayaan na lang ni Shiela.
Pero nakikita ni Shiela na nag-struggle si Paul sa paghuhugas ng plato.
S: "Hindi ganyan, ganito..."
Isang plato lang parang sobrang kalat na nung sabon at lababo.
Napapatawa ako ng palihim.
"Yung buhok mo may sabon Paul! Anak ng... para kang naglaro ng bubbles."
Tinanggal nya ito.
TV: "Umpisa na yan Paul, kapag kayo nagkatuluyan ni Jam. Siguraduhin mo na pati kaldero kaya mong linisin dahil ayoko ng pahihirapan mo ang mamanugangin ko." lakas magbiro nitong si Tita HAHAHA. :>
P: "Okay na okay sakin yon.. Syempre naman, para san pa ang training ko ngayon sa paghuhugas kung hindi ko rin naman i-aapply kapag mag-asawa na kami. Pero wag naman sobrang daming dishes, baka maging house husband ako nyan" sabay kindat.
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Novela JuvenilThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...