Pagkatapos kong mag-practice ng pagluluto..
Napaisip ako...
Uso ang epal sa mundo ano?
Matik na isa na don tung bestfriend ko!
Pero itong Paul na to... Nakakaloka! Ngayon lang ako napapayag magpaligaw..
Ito naman kasing bestfriend ko, akala mo naman iisa lang ang lalaki sa mundo.
Kinakabahan na rin ako. Kasi di ko alam kung sa age ko na 17, kaya ko na yang mga ganyang bagay.
OA ko no? Pero ganon talaga... Hindi naman kasi lahat ng tao mapapagkatiwalaan pero aminado naman ako na gumaan yung loob ko kay Paul.
Pero syempre, hindi pa rin tama na you'll trust someone whom you've just met.
It takes time for him to gain my trust..
Teka, hindi ga para naman akong nag-iisip? Eh ligaw lang naman.. Diga nasakin pa din naman ang desisyon?
Tssss!! Jaaaam!!! Bakit kasi namomroblema ka!!
Wag mo sabihing... Natatakot ka na ma-fall kay Paul. Okay nag-rhyme.
Hindi naman dapat ako nagiisip ng ganito kung hindi dahil sa bestfriend kong to!
Kasi itong si Kaye sobrang mapilit.
Kung tutuusin, maweweirdohan ka dapat kay Paul, dahil parang ang jejemon, alam mo yun, uso pa pala ang mga banat ngayon? Tsss -___-
Pero napapaisip din ako..
Eversince, wala akong panahon sa mga ganyan..
Ayokong nahahati ang oras ko, gusto ko, aral at pamilya lang..
Pero tama ga na dun lang umikot ang mundo ko? Tumatanda ang tao at hindi bumabata..
Ayaw ko rin naman na bilang teenager eh hindi ko maranasan ang dapat nararanasan ng mga ka-edad ko..
"Apo?"
"Bakit po?"
Yung itsura ni Lola parang weirdong wierdo sakin.
Nakataas ang isang sulok ng labi at isang kilay..
L: "Nag-dodroga ka ga? Yung totoo!!"
"Huh? La?! Hindi no!!!"
L: "Nanonood ako ng telebisyon, hindi ako makanood ng ayos, dahil pauli-uli ka jan sa harapan ko, tapos mustra ka ng mustra, wala ka namang sinasabi, nakakunot ang noo mo, tapos parang may iniisip.. Nagsasalita pero walang lumalabas na salita sa bibig.. Yung totoo iha, umamin ka! Nagdodroga ka no?!"
Lech. Sa sobrang naguguluhan ako sa buhay ko, di ko alam mga pinagagawa ko!
"Ay sorry po Lola... Hindi ko naman alam na naiistorbo ko po kayo... Tsaka la, hindi po ako naka-droga"
Napa-iling na lang si lola at sinabing "iba na talaga ang trip ng mga kabataan ngayon"
Taray ni Lola, alam pa ang salitang trip.. Tsk.. Iba na talaga ang mga lola ngayon :))
Lumabas ako ng bahay at umupo sa may duyan..
At kinausap na naman ang sarili.
"Jam.. Tama ga na pumayag ka? Tama ga yun?!"
"Jam!! Nagiisip ka ga ng tama? Sana naman isipin mo muna! Lalo ngayon aminado ka na gumagaan ang loob mo sa kanya, hindi ga senyales yan? Masasaktan ka lang!!"
Napahilamos ko yung kamay sa mukha ko.
At napasigaw..
"Jaaaaam ano gaaaaa!!"
Tapos napatingin ako sa may bintana.
Nakasilip pala si Lola.
Biglang umiling.
Isip isip na lang nya, talagang naka-droga ako..
Pero hindeeeee!
Malaking desisyon to! Na magpapapasok ako ng lalaki sa buhay ko..
Wow lalim!!
Biglang nagflash sa isip ko ang mukha ni Paul.
Yung maamo at fresh nyang mukha..
Yung sexy nyang mga braso at yung katamtaman nyang katawan..
Yung tangkad nya tapos yung tindig nya...
O____O
JAMMMM!! Anong iniisp mo?! Bat yan ang iniisp mo?! Bakeeeet!!!
T____T
Okay I'm really weird :/
Okay I'm hopless :/
*(mustra = body gestures)
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Fiksi RemajaThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...
