Gaya nga ng sabi ni Kuya Ched, umuwi sila sa Batangas at pumunta ng ospital.
Pinagsabihan kaming dalawa ni Paul -__-
K.C: "Ikaw Jam, kung anu anu inaatupag mo! At ikaw naman Paul, kung san-san kayo nagpupunta, di man lang kayo nagpaalam samin!"
P: "Pasensya na po kayo, kasalanan ko po, ako ang lalaki, dapat pinag-paalam ko si Jam sa inyo ng maayos."
K.C: "Aba dapat lang!"
"Kuya..."
K.C: "Oh ano Jam!? "
"Sorry na..."
K.C: "Anong sorry ?! Makakarating to sa Mame at Dade!"
P: "Handa rin po akong humingi ng tawad sa magulang nyo."
K.C: "Anong tawad?!?! Papakilala ka bilang boyfriend nitong si Jam! Kelangan malaman nila!"
Patay >.< Di kami handa dito -__-
"Kuya pagbalik na lang ni Paul, pwede? aalis na rin kasi sya ulit. 3 weeks na ulit sya babalik."
K.C: "Hindi! Dapat ipakilala na yan."
Biglang lumapit si Ate Mimi at pinukpok ng sapatos sa ulo si Kuya Ched.
K.C: "ARAYYYY!"
A.M: "Kanina ka pa sumisigaw dyan. Ano ga naman ang kinaiinit ng ulo mo dyan?"
Nakatingin pala lahat ng tao sa kwarto namin.
Si Lola nga tumatawa lang.
L: "Hay nako hijo, yan talaga namimiss ko sayo.. Napaka-mainitin talaga ng ulo mo."
K.C: "Hindi ga kayo nababahala at may boyfriend na tong si Jam?"
A.M: "Hindi. Ikaw lang naman ang OA jan e. Lahat naman pinag-daanan yan."
L: "Tama si Mimi hijo. Hayaan mo na lang sila. Malalaki na naman yang mga yan."
A.M: "Tsaka hindi naman gagawa ng kalokohan yang dalawang yan.. mukha namang matino ang mokong na to." sabay ngiti.
K.C: "Basta kami ni Karina! Hindi kami sang-ayon! Masyado pang bata si Jam.. tska-tsaka malay ga natin kung may binabalak na masama tong si Paul sa kapatid ko!"
A.M: "Bakit kailangang sumigaw? Hindi pwedeng mahinahon?!"
Tipong tutuktukan na naman sya ni Ate Mimi.
K.C: "Oo na, hihinahon na."
P: "Hindi naman po ako gagawa ng masama, lalo at nakilala nyo na ako."
K.C: "Aba't kung hindi mo pa kami nakilala, siguro ginawan mo na ng masama ang...."
Hindi pa natatapos ni Kuya ang sinasabi nya ng piningot sya ni Ate Mimi.
M: "Patapusin mo nga muna magpaliwanag yung bata!! Singit ka ng singit e!"
Natatawa ako tsaka si Kaye.
P: "I didn't mean to express it that way po.. pero..."
K.C: "Aba't ini-English pa tayo... Ikaw tigi-----"
*PAK!*
Isang malakas na tuktok na naman ang natanggap ni Kuya kay Ate Mimi.
A.M: "Ano, sisingit na naman?!"
K.C: "Hindi na nga!" sabay hihip dahil sa sakit ng tuktok ni Ate.
A.M: "Good. Okay Paul, tuloy. Wag mo ng pansinin tong si Ched."

BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Novela JuvenilThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...