Balik school na ulit ako.
Hatid sundo ni Paul, gaya ng sinabi nya.
Aba at akalain mo nga naman na maaga pa sya sa 6am. :">
Yung lalakeng kahit kayo na, parang liniligawan ka pa rin araw-araw :)
Tuwing nasa klase ako, nasa Mama nya naman sya tapos kapag 3pm na aasahan ko na andun na sya sa car park o kaya sa waiting area ng De La Salle Lipa.
Ang nakakapanibago lang, parang lagi kaming trending dito sa school.
Agaw pansin kasi dahil hindi nga sya taga doon, ang cute cute pa nya. :">
Minsan nga dadaan pa kami sa campus, dala nya yung bag ko.
Minsan naman hawak kamay.. At kapag nakikita ng teachers namin, gulat na gulat sila.. lalo na Mr. Magwayen.. Akala nya siguro magiging matandang dalaga ako! HAHAHA.
Pero hindi lang yun ang napansin ko, may mga bulung-bulungan akong naririnig na kilala nila ako dahil sa insidente kay Mindo Co, kahit na sabihin pang tinanggi ko yung nangyare. Naging viral kasi sa social networks yung stolen picture ni Mindi na kasama namin sa ospital.
At alam nila na si Paul yung lalakeng kinahuhumalingan ni Mindi, usapan na nga sa buong La Salle.
Yung iba nagpapa-picture pa saming dalawa.
Gulat na gulat talaga ako! O___O
Instant celebrity? Pero madalas kay Paul lang sila nagpapa-picture. Kaloka -__-
Minsan ako pa ang photographer. Wow nemen... >__<
Di ko alam na ganto na kalantad ang topic about kay Mindi.
Nung 1st day ko nga na pagbabalik after the incident..
Sa pagpasok ko sa loob ng classroom.
Nagtinginan yung mga kaklase namin. Lalo na yung mga babae.
Paulit-ulit nangyayare yan araw araw nitong unang linggo ko.
A: "Oh, nandito na pala yung sikat naming kaibigan eh"
"Loko!"
L: "Nako, iba na talaga ang instant celebrity.. Usap usapan ka sa bawat kanto ng school. Lalo na yang boyfriend mo"
A: "Tingnan mo nga tong mga kaklase natin oh. Kanina ka pa nila pinag-uusapan"
"Hayaan nyo na lang.. Mawawala rin naman yan kapag may bago na silang napag-tuunan ng pansin."
L: "Pero as of now, ikaw muna.. kayo muna"
P: "BABY!!!!"
Pag-lingon ko.. Hapong-hapo si Paul na dala-dala yung wallet ko.
P: "Nalaglag mo yung wallet mo sa kotse.. Nag-alala ako baka maya-maya magutom ka."
Linapitan ko sya.
"Thank you Paulskieee! Osya, alam ko na iniintay ka na ng Mama mo, sige na... ingat ka ha?"
Hinalikan nya ako sa pisngi sabay takbo.
P: "I will!!"
L: "Eskandalosoooo ang Lolo mo..."
A: "Sus. Natural lang naman yan."
L: "Oo nga.. mamaya trending na naman kayo sa forum for sure."
A: "For sure marami ka nang karibal dyan sa boyfriend mo Jam... Marami ka na rin bashers"
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Dla nastolatkówThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...