Pagkadating ko sa bahay.
Nagbihis ako at nagluto.
Iniintay ko si Kaye magpunta sa bahay.
Tapos na kaya mag-usap yung dalawang yon?
Maya-maya pa ay may narinig akong boses.
K: "Shiela, andyan ga si Jam sa loob?"
S: "Oo, pasok ka"
Sinalubong ko si Kaye papasok dito.
"Uy Kaye"
K: "Bakit di ka sumabay samin kanina?"
"Eh, kasi parang may pinag-uusapan kayong masinsinan eh"
K: "Hindi naman, may konting problema lang"
"Ano yun?"
Umupo kami sa may sofa.
K: "Wag na lang te!!"
"Anung wag na lang? Iinarte ka pa jan! Bestfriend mo ako, dapat alam ko yan, dapat ako tumutulong sayo."
K: "Ohhh. How sweet" halong asar pa.
"Laki talaga ng tukatok mo sa ulo ano? Ano nga sabe?!"
K: "Wala yun, konting tampuhan lang, Para namang di ka na sanay sakin at sa mga you know... HAHAHA. Teka. Ano nga pala yung sinasabi mo sakin na mga problema mo?"
"Ako?! Wala te!"
K: "Nagiinarte! Ano nga?! Bestfriend mo rin ako!"
"Ohhh. How sweet." pang-asar ko :D
Binatukan nya ko.
K: "Ano nga?!"
"Tungkol nga dun sa panaginip. Naalala ko twice na nangyare sakin yung kay Paul na yon, yung kauna-unahan, kinasal sya sa iba, yung pangalawa kahapon lang. Ang weird. -__-"
Tapos kinwento ko sa kanya ang buong panaginip ko.
Parang nagulat sya, tapos parang di mapakali at parang may iniisip.
"Bakit?"
K: "Ah, wala naalala ko lang yung tampuhan namin ni Aldrin, para kasing nakokonsensya na ako. Naumpog lang ako sa sinabi mo. Baka kasi mamaya.. alam mo na..."
"Teka...about san ga talaga yon?"
K: "Saka ko na sasabihin sayo, kasi nahihiya pa ako."
"Ang arte mo talaga!! Ganyan ka naman kapag nagkaka-boyfriend, malihim! Che! Pero sige, take your time.. tsaka nga pala may isa pa pero doon tayo sa taas mag-usap, baka marinig tayo ni Shiela." sabay lingon lingon sa tabi-tabi, baka nakikinig nga e -__-
K: "Wag na dito na!"
Hinila ko buhok nya pa-akyat ng hagdan.
"Magmamatigas pa e.. sabi ng sa taas na..."
Umakyat kami sa taas, sa may kwarto ko.
Ni-lock ko yung pinto.
Kinuwento ko kay Kaye ang lahat... na feeling ko may something sa kanila.
Nakaramdam ako ng lungkot...
K: "Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano dyan" sabay hila din ng buhok.
Arayyy nemennn!
Da-drama yung tao e!
"Paano ka naman nakakasigurado na dapat akong kumalma?"
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Ficção AdolescenteThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...