Chapter 33: Paunawa

27.6K 211 29
                                    

Pagmulat ng mata ko, si Paul nakita ko na sa may upuan at natutulog.

Pagod na pagod sya, hindi nya talaga ako iniiwan. :">

Ni hindi nga sya umuuwi eh..

Si Aling Luz, Lola at Tita V ay nanonood ng TV.

Wala si Tito T baka inasikaso na naman ang business nila.

Umupo sa tabihan ko ang Mame.

Samantalang and Dade, nakita kong naghuhugas ng plato.

Aba bumalik na pala ulit sila dito sa ospital.

M: "Oh anak, gising ka na pala, nagugutom ka ga? Gusto mo kumain?"

"Hindi na po, ayos lang po ako. Bakit nandito po ulit kayo?"

M: "Di rin naman kami makapag-pahinga sa bahay, kaya nag decide kami ng Tatay mo na magbihis na lang at dumaretso na dito."

"Ah ganon ga po. Di bale po, lalabas na rin naman na po ako."

Sabay napa-sulyap ako kay Paul at napangiti. :">

M: "Iba din ang tyaga ng boyfriend mong yan e no?"

I smirked :)

M: "Mahal mo ga talaga anak? Kahit alam mong niloko ka na?"

Nagulat ako bigla, pano nya nalaman yon? O___O

M: "Nagtataka ka anak kung bakit ko nalaman? Aba malamang, san ka ga naman magmamana ng pagka-chismosa, e di sa nanay mo! Tsaka anak kita, malamang makakarating yun sakin!"

"Sabagay mother, may pagka-chismosa rin ako minsan. Pero dun po sa tanong nyo.. syempre naman po, kahit niloko ako, tatanggapin ko pa rin sya.. lahat naman po deserving mabigyan ng chance"

M: "Anak, hindi lahat ng tao, deserving bigyan ng chance. Baka mamaya, hindi mo namamalayan na yung binibigyan mo ng chance, binibigyan mo na rin ng karapatan para saktan ka ng paulit-ulit"

"Mame naman, pagtatalunan pa ga natin ang nakaraan. Ang importante po bumabawi sya sa mga kasalanang nagawa nya"

M: "Ikaw ang bahala anak, basta kapag nasaktan ka ulit, at niloko ka nya, wag mong isisisi sakin na di kita pinagsabihan ha"

Di ko alam pero ang importante naman lagi yung present diga?

Pero di ko masisisi ang nanay ko... nasasaksihan ko na din na magaling talaga sya magbasa ng tao. Ilang beses ko na na-prove yon. Madalas talaga tama yung first impression nya sa tao pero may panahon naman na hindi pero most of the time, tama talaga.

Tama naman sya na nasaktan na ako dahil kay Paul pero tapos na yun. At nakita ko naman kung paano nya ako pahalagahan. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung tanga ako o tanga lang talaga. Walang ibang pag-pipilian, basta tanga ako -__-

"Nasaktan na nya po ako once pero hindi ga po kailangan nya ng chance para maitama ang mali? Pero sobrang nagpapasalamat po ako dahil andyan kayo para bigyan ako ng paalala at paunawa."

M: "Ikaw ang bahala, malaki ka naman at alam kong kaya mo ng mag-decide for yourself. Alam mo namang kahit lagi kita napapagalitan eh mahal na mahal kita, kaya kapag may nanakit sayo, asahan mo na sasaktan ko rin sya!! Ganon din ang mga kapatid mo."

"Pero nagulat nga po ako at bakit hindi man lang ako napagalitan ni Ate Karina at ni Kuya Ched nung dumalaw sila?"

M: "Pinagsabihan sila ng Dade mo"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon