Sobrang sakit ng katawan ko.
Pero kailangan kong masanay sa ganito.
Almost 1 week na rin akong nandito sa work ko.
Sinasanay ko ang sarili ko na maging awake sa klase kahit inaantok ako.
"Ms. Del Rosario! Ano at pumipikit ka dyan?" nagulat ako sa pag-hampas ng stick ni Mr. Magwayen sa harapan ko.
Bigla akong nagising.
Si Sir talaga, walang kumpas, ako na naman ang nakita >.<
Nagtawanan ang buong klase namin.
Pinahiya na naman ako ng teacher na to, the best ka tlaga Mr. Magwayen.
Pag garneng pagod ako, baka maabangan kita sa labas nyan. Joke lannnnng!
After ng klase, work naman.
Worth it naman to, at least kumikita ako.
San naman kaya ako makakahanap ng ganitong trabaho ng ganun kabilis diga?
Buti na lang talaga ni reto ako ni Kuya.
Ikot don, ikot dito.
Luto doon, luto dito.
Pagkatapos ng work namin umuwi na agad ako,
Kasabay ko si Majean umuwi kasi same way din naman kami dumadaan,
Yun nga lang mas una akong nababa sa kanya.
Na-open nya din yung topic yung kay Mindi.
Sabi nya parang kamukha ko daw yung nasa balita dati.
Tinanggi ko naman na ako yun.
Iintregahin lang ako ni Majean for sure, kaya pinili ko na lang magyabang.
Malas nga eh, ang lakas pa ng ulan.
Di pa naman ako nakapag-dala ng payong.
Tagal tagal pa ng jeep na dumaan.
Nabasa tuloy ako.
Nakaka-asar, mapapagalitan ako ni Lola nito.
Nag-text sakin si Anne.
Inaalok ako nila Anne pumunta sa kanila, kasi birthday ng kapatid nya, kaso pagod na pagod lang talaga ako tska malakas ang buhos ng ulan.
Pagkadating ko sa bahay, as usual, bagsak pa din ako.
Tinetext ko muna si Paul bago ako matulog.
Minsan di na rin kami nakakapag kita tuwing lunch, depende na lang kapag swak sa sched namin.
Di na nga ako nakapag bihis nung dumating ako.
Kasi free naman bukas at wala akong work.
Bukas EK mode.
Kelangan naming pasayahin si Kaye ><
Pero di ata ako makakasama.
Ang sakit kasi ng buo kong katawan at parang lalagnatin yata ako.
Uminom na din ako ng gamot tapos pinahinga ko na.
"Jam, gising ka na, nasa baba na si Kaye, may pupuntahan daw kayo" sabi ni Tita Luz.
Di ako makakilos ng maayos.
Parang ang bigat ng mga mata ko, pati na din ang katawan ko.
Ramdam ko na hinipo ako ni Tita Luz sa noo at leeg ko.
"Nako Jam nilalagnat ka ah"
Di na ako umimik kasi ang sama nga ng pakiramdam ko.
Naisip ko bigla na EK nga pala ngayon, yun nga lang di alam ni Kaye na dun ang punta namin.
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Fiksi RemajaThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...