After 2 years,
Heto ako,
Ga-graduate na...
"Oh picture picture!" sabi ng Mame.
Sa wakas! Ga-graduate na ako.
"Andaya! Sama ako!" si Trish.
Yup,
Si Trish, ayos na kami.
Tanggap na nya.
____________________
Nung araw na nagkatapat-tapat ang lahat.
Sinundan sya nila Paul.
Kinausap nila ito.
Di matanggap ni Trish na kami ang magkapatid.
Lalo pa at karibal nya ako kay John.
Pero dahil sa tulong ni Aling Luz.
Nakumbinse sya.
Pinatawagan namin sa cellphone.
Pero hindi agad dun naayos.
Ilang buwan ding hindi nagparamdam samin si Trisha.
Kahit alam naman naming ayos sya, dahil sa mga nirereport nila Chris samin.
Nag-iisip lang sya at siguro naninibago.
Hindi naman nya natitiiis si Aling Luz eh.
Mahal na mahal nya ito.
At sinabi ko na din sa magulang ko pati kina Kuya ang lahat lahat.
Halos maiyak sa tuwa ang Mame at Dade nung kausap namin sa telepono.
Pumunta agad samin sina Kuya at Ate nung nalaman nila.
Para kaming mga ewan, nag-iiyakan.
Syempre, 19 years din nawala si Trish, or I can say Ate Trish.
Medyo awkward eh, pero kahit nasaktan nya ako kanina.
Nawala ang lahat ng yon, nung nalaman ko na siya yung kapatid ko.
Nakonsensya lang ako kasi nasaktan ko sya.
Kaya pala matamplay si Aling Luz, kasi hindi nya alam kung paano sasabihin ang totoo.
Pero ayos na samin yun.
Nagpapasalamat kami sa kanya ng sobra sobra dahil inalagaan nya na parang tunay na anak si Trish.
Ilang buwan ang nagdaan.
Isang araw ay nakita na lang namin si Trish sa tapat ng bahay.
Kasama nya sina Paul.
Nakangiti ang buong tropa nila.
Syempre kasama si John.
Napaiyak si Trish nun at niyakap si Aling Luz.
T: "Nay, pasensya na kayo. Kung alam ko lang na hindi nyo pala ako tunay na anak, sana hindi po ako naging sakit sa ulo sa inyo."
Napaiyak na din ako at si Lola.
At lumabas sina Kuya at Ate galing sa loob ng bahay.
A.L: "Shhh. Kahit kelan di ka naging sakit ng ulo sakin. Kung alam mo lang kung gaano ako ka-swerte at binago mo ang buong buhay ko. Buhay na dapat ay ako lamang mag-isa. Pero nung nakita kita. Binago mo ang lahat."
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Fiksi RemajaThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...