Chapter 50: Drama

19.7K 166 12
                                    

First Day ko sa trabaho.

Medyo di pa nga ako okay kasi di pa din ako maka-get over sa nangyare kanina.

Pagpasok ko dun, nakita ko yung highschool classmate ni Kuya Ched.

Pinakilala nya ako sa mga staff and nag-start na ako.

Medyo naninibago pa ako sa paligid, kasi first time ko naman magtrabaho.

Masaya kasi makakatulong naman to sakin eh and di msyado mahirap ang trabaho kasi sanay naman ako sa kitchen, yun nga lang iba naman ang niluluto namin dito.

Ako lang yung working student. Lahat sila graduate na.

Pero yung ibang waiter at waitress katulad ko din.

-------

After 5 hours ng work.

Daretsong uwi agad ako sa bahay kasi pagod na pagod ako eh.

Ni hindi na nga ako nakakain, bagsak agad pagdating sa bahay.

Nagising na lang ako kalagitnaan ng gabi at naalala ko, di ko natawagan si Paul.

Nung tinawagan ko sya, di na nya sinasagot, tulog na siguro.

Pagkatingin ko sa inbox ko, almost 20 texts.

Miss na daw nya ako, di daw sya sanay na di ko sya nakakausap ng gabi o kaya naman hinahatid sa bahay.

Nagtext na lang ako sa kanya na, kita kami bukas after school nya.

Kasi 5pm naman tapos ko eh, sya eh gabi pa kasi may night class pa.

Yun nga lang baka pagod na sya after.

Biglang nag-ring yung phone ko.

Tumatawag si Paul.

"Hello Paul, Akala ko tulog ka na?"

P: "Hindi naman, naggawa lang ako ng homework ko, di ko napansin na natawag ka. Eh ikaw bakit gising ka pa?"

"Naalimpungatan lang ako."

P: "Tulog ka na ulit, may work ka pa bukas, sige ka baka antukin ka dun"

"Hindi okay lang. Hmmmn Paulskiiii....Namiss kita bigla"

P: "Ako din, kung alam mo lang"

"Pasensya ka na ha, kailangan ko lang tong work na to, magkikita pa naman tayo sa school diga?"

P: "Naiintindihan ko naman, oo nga. Kita na lang tayo every lunch time, tapos Sunday kapag di ka busy"

"Sige sige, text text na lang, bukas nga pala, after ng class mo, intayin kita kina Kaye. What time nga ulit tapos mo?"

P: "9pm pa eh, maiintay mo pa ako?"

"Oo naman, eh ikaw ga, okay lang sayo?"

P: "Oo naman, ayos na ayos sakin."

"Sige sige! Kamusta nga pala si Bes ko kanina?"

P: "Ayon, nakatulala lang buong lesson, pinapatawa ko nga sya, napapangiti ko naman sya, yun nga lang halatang fake smile lang binibigay nya"

"Salamat sa effort Paul ha, naawa nga ako sa kanya. Kung kelan naman kailangang kailangan nya ako, saka naman ako wala. Hay"

P: "Naiinitindihan naman nya yun. Tsaka wag kang mag-alala, sasamahan naman namin sya palagi kapag may oras. Nakita ko nga pala si Aldrin kanina pagkatapos ko ihatid sa bahay nila si Kaye"

"Oh, anong sabi sayo ng makapal ang mukha na yon?"

P: "Nag-usap kami sa isang bar. Sinamahan ko lang sya at sya yung nag-inom ng nag-inom"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon