Tama kayooo.
Agad agad ipapakilala na pala ako ni Paul sa parents nya -__-
As in kagabi nya lang sinabi na ipapakilala ako.... tapos ngayon pala yun -__-
Akala ko naman yung soon matagal pa... Sabagay, kaya pa ga nga naman sabihin soon kung matagal pa -__- Sa movies kasi yung soon ang tagal! Letch... Sa totoong buhay pala, ang soon, talagang sooooon! Kaloka -__-
P: "Oh, bat di ka mapakali dyan? Okay lang yan" sabay ngiti.
Nagda-drive sya papunta sa kanila, galing sa bahay.
Sinundo nya kasi ako eh.
Pagkagising ko, pinagbihis nya ako kaagad -__-
"Eh kasi kinakabahan ako..."
Ikaw ga naman ang kalmado na matagal pa, tapos biglang kinabukasan na pala. Sarap pektusan nitong si Paul >.<
Hinawakan nya yung kamay ko.
P: "Wag kang kabahan, nandito lang ako.."
Tumingin na lang ako sa bintana at nag-inarte. AHHAHA -__-
Kasi naman, ang sakit kaya sa tyan kapag kinakabahan.
After 30 minutes nasa Salvino Rest House kami dito sa may Lian, Batangas.
Pumasok kami sa parang liblib na lugar, pero sa paglapit namin sa isang mansion.... ang lakas ng dagadab ng puso ko -__-
P: "Nandito na tayo"
Pumasok ang sasakyan nya sa loob at talagang napahanga ako sa nakita ko.
Parang paraiso, may fountain, ang daming halaman, ang dami ding puno, basta ang ganda!
"Wow! Ang ganda. Nasa langit ga tayo? o paraiso?" sabay nganga.
P: "Haha. Ikaw talaga! Tara baba ka na dyan."
"Ha?"
Nung sinabi nya yun.
Kulang na lang ibigti ko sakin ang seat belt, para hindi makababa. >.<
Nahihiya kasi ako.. Jusko.. ang jologs ko tapos... ang yaman nilaaaa!
"Alam ga nila na pupunta tayo dito?"
P: "Hindi, surprise ko to kay Mama"
Ay susss! Paul naman! Lalo mo naman akong pinakaba e!!!!!! Baka sabihin ng mga yon hindi naman nila ako ineexpect bakit ako umepal -__-
"Ganon? baka mamaya ayaw sakin ng pamilya mo, tapos dinala-dala mo pa ako."
P: "Kung nagustuhan kita, magugustuhan ka rin nila. Okay? Kaya wag ka na umarte at papasok na tayo."
Hinawakan nya ang kamay ko at hinila na papasok sa loob.
Simple na malaki ang labas, pero pagpasok sa loob, grabe ang lawak..
Jusko, fish pond nila, kwarto ko na O___O
May mga kasambahay na lumapit samin.
Ang uniform ha, bongga! Parang mas mukha pang pang-kasambahay ang suot ko!
"Magandang araw po Sir/Mam"
P: "Magandang araw din naman.Nasan po sina Mama?"
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Teen FictionThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...