Narinig ko sa balita na si Mindi ay umuwi daw dito sa Batangas.
Nanganganib ata buhay ko? :P
It's almost 2 months since nawala na kami talaga ni Paul.
Siguro naman okay na sa kanya.
Kaya lang si Kaye ang inaalala ko.
Baka sya naman ang sabutahihin ni Mindi.
Hmmmn.
Do I still need to care?
Eh magkatabi na nga kami ng bahay, ni hindi nya man lang ako binibisita.
Sabagay, hindi maganda ang huli naming pagkikita.
Pero kung talagang gusto nyang mapatawad ko sya, dapat mag-eeffort sya.
Kaya lang hindi talaga eh.
Sila pa din sa bali-balita ko.
At pati sa college kalat na wala na kami.
Maraming nagalit, ewan ko.
Nagmu-move on na kasi ako.
Pero di namang maiiwasang masaktan ka pa din sa mga naririnig mo.
Syempre naman mahal na mahal mo din yung tao.
Pero ngayon parang wala lang ako sa kanya.
Basta nya ako iniwan.
As usual nakikita ko pa din sila sa campus.
Umiiwas na lang ako.
Kahit na nasasaktan pa din ako.
Eto, mag-dedebut na ako.
Sa sabado ko i-celebrate kasi nga may pasok at work ako sa mismong birthday ko.
Bukas na nga yung mismong birthday ko.
Naayos na namin ang lahat.
Medyo may kamahalan nga lang, pero malaki ang naitulong ko sa magulang ko.
Nag-ipon din kasi ako eh,
Salamat mairaraos ko din!!
Baka umalis na ako sa trabaho pagkatapos.
Kasi nahihirapan na akong pagsabayin eh.
Dinagdagan kasi nila ako ng extra units.
Papaalam na ako after.
Buo na ang 18 roses and 18 candles ko.
Nagtaka si Mame at Dade kung bakit wala daw si Kaye at Paul dun.
Syempre sinabi ko yung totoo.
Nagulat nga sila eh
Di sila makapaniwala.
Nakauwi na sila, syempre debut ko eh,
Pero 2 weeks lang sila dito.
At least umuwi sila diga?
Pinakilala ko na din si John, tutal magkaibigan naman kami eh.
Kilala na nila, nagpupunta dito dati eh, kaya lang syempre iba na lagay ngayon.
Ang magiging debut escort ko ay si Kuya Ched.
Yung mga kaklase at barkada ko ang isinama ko dun.
Syempre kasama si John.
Second to the last dance nga sya eh.
Tama si Ate,
Gustong gusto sya ng Mame at Dade.
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Teen FictionThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...
