Chapter 37: Safe

28.3K 197 13
                                    

Kada araw na dumadaan.

Parang mas lumalala ang sitwasyon sa school.

Kung noon picture picture lang.. ngayon pinagkakaguluhan na talaga!

Mabuti sana kung kaming dalawa, hindi e. Si Paul lang.

Kaya nga sabi ko sa kanya.. Wag na syang pumasok ng campus..

Andito ako sa may library.

Para malayo naman  kahit papano sa ingay at gulo.

Kasama ko si Kaye.

K: "Ang ingay nila no?!"

“Sinabi mo pa! Ayoko ng ganito, gusto ko ng isang matiwasay na araw! Kung san man ako pumunta, wala na akong ibang marinig kundi yung issue o kaya naman yung about samin ni Paul! Yung tipong kulit na kulit ka na! Hindi pala talaga masayang maging talk of the town."

K: "Chill!"

Nag-sigh ako.

“Nga pala, ano nangyare sa inyo ni Aldrin kahapon? Sinundan ka nya sa library e.”

K: "Ayon. Sorry ng sorry."

“Ano ga nangyare?”

K: “Pano kasi wala nang inaatupag kundi barkada na ng barkada, kung hindi barkda volleyball!”

“Bakit varsity sya?"

K: “Oo varsity yon, Di lang natin alam kasi this year lang sya nag try out and last month lang nagstart yung training nila kaya ayon. Kapag pagod na pagod sya. Wala na syang ganang kausap.. Nakaka-sura na... Madalas kasi siyang ganon. Kesyo dahil pagod na pagod nga daw o kaya naman stress na stress dahil napapag-iwanan na sya sa mga subjects nya..”

“Kaya namana pala ang drama ng life mo parati.. Pero dapat iniintindi mo na lang... Dyan naman sya masaya e"

K: “Pero kelangan ko din naman ng atensyon. Kailangan ko ng oras nya.. Kailangan ko sya...”

“Oo nga.. pero yung pagiging masaya, hindi ibig sabihin non perpekto ang lahat.. meron at merong dapat isakripisyo para sa kaligayahan."

K: “Mabuti sana kung yun nga lang talaga ang dahilan, yung pag-aaral at varsity chuchu nya.... kaso hindi... Lagi na nga nya kasama yung barkada nya... as in lagi.. tapos ako tuwing umaga ko na lang sya nakukutaptapan.. Kung yung mga barkada nya na kaya ang jinojowa nya ano?!”

“May point ka naman.. Kausapin mo na lang sya.. kayo lang naman ang makaka-solve nyan e." 

K: “Nakausap ko na, sabi nya OO daw. Oo lang ang sabi! As in oo lang! Sarap manapak!”

"Ikaw na lang yung magpasensya.. Mahal mo naman yung tao e."

K: “Tama, sya ang mahal ko at hindi yung mga barkada nya!! Mga mukha ng mga lalakeng yun! Hindi mapapagkatiwalaan! Mga babaero, mga varsity nga naman!"

“Hindi naman lahat.. Tsaka wag kang mag-judge. Kausapin mo nga kase."

K: “Ano pa nga ga. Lagi naman puro sa usap. E wala namang kwentang kausap ang gagong yun -__-”

“Pero okay naman kayo ngayon? Nagkasundo na kayo?!"

K: “Umoo na lang ako... Susunduin nya daw ako mamaya sa room"

“Yun naman pala eh. Give chance... Malay mo naman nga..”

K: “Tapos sabi nya, thrice a week na lang daw practice nila, kaya 2x a week nya ako mahahatid sa bahay.”

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon