Nag-ikot ikot kami nina Len, Kaye at Anne sa park kung saan nangyare ang.. Hmmm.
Hahahahaha! First kiss namin ni Paul.
K: "Bakit ka ngumingiti dyan? Para kang baliw"
"Wala naman may naalala lang ako sa lugar na to."
K: "At ano yon aber?! Wala naman akong natatandaan na nagkwento ka sakin tungkol sa lugar na to?"
"Wala naman nga.. Wala naman talaga.."
K: "Hoy kilala ko buka ng ilong mo ha. May nililihim ka no?"
"Aba, ikaw din kaya mapaglihim! Sampalin kita dyan e"
K: "At ano nilihim ko maliban sa naging kami ni Aldrin?"
Binulong ko sa kanya kasi nandoon si Anne at Len.
"Nung pupuntahan ka dapat ni Aldrin sa inyo galing sementeryo. May kasama ka eh, nalimutan ko lang banggitin sayo, ngayon ko lang naalala. Sabi mo si Aldrin kasama mo nun? Ibang lalaki yung kasama mo. Tsaka yung poetry mo, yung time na pinakilala ko na sayo si Paul bilang BF ko. Nagsusulat ka nun diga? Dati naman lagi mo sinasabi sakin about sa poetry mo, alam ko hilig mo yun at dun mo ibinubuhos dun kapag masaya ka o hindi. Weirdong wierdo na nga ako sayo kaso lagi ko lang nalilimutan itanong sayo. O diga, ikaw naman dyan ang maraming lihim. Hinahayaan ko na nga laang e at baka mamaya mag-away na naman tayo"
Namawis ng bala-balatong si Kaye.
Tipong magsasalita na sya ng hinila ako ni Len at Anne.
"Oh san nyo ko dadalhin?"
L: "Basta, sumama ka na lang!"
Tinakbo namin yung gusto nilang puntahan.
Grabe naman tong mga to, pwede namang maglakad!
Pagdating sa pupuntahan, hingal na hingal ako.
Daretsong pinagtutuktukan yung tatlo.
"Ano na naman to?! Grabe kayo! Pinagod nyo ko!!!"
Nang biglang nabuhay ang napaka-raming ilaw doon.
Ano to may patay? Talagang kailangan buhay ang maraming ilaw? -__-
"Ano to?! Hoy mga gaga, sumagot nga kayo dyan."
K: "Iwan ka na namin dito ha, umupo ka lang dyan sa gitna at mag-intay ka."
"Sandali nga...." pero tumakbo na sila.
Pinagmasdan ko ang paligid ko..
Ang daming bulaklak tapos kandila sa paligid.
Pero walang tao, ako lang >.<
Sheeetttttt. May patay nga yata?! Letche! Pinapatay na ko kaagad ng mga hinayupak na to >.<
P: "Sorry I'm late" sabay halik sa pisngi.
Nagulat ako sa pagkakita ko sa kanya.
"Anong patutyada ito?"
P: "Simpleng dinner lang."
"Simpleng dinner? E kung maka-suit and tie ka dyan, wagas?!"
P: "Pangit ga? Medyo uncomfortable nga ako" sabay tingin sa suit nya.
"Sira! Syempre bagay naman sayo.. Yun nga lang... Hmmm... nagmukhang burol naman to.. daming ilaw, may kanila pa at bulaklak. Yung totoo, pinapatay mo na ako?"
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Teen FictionThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...